Opinion
[EDITORYAL] Bakit malaki ang epekto ng US Elections sa Pilipinas?
Nitong nagdaang Linggo, naging kapana-panabik ang pagsubaybay ng buong mundo sa pampanguluhang halalan ng Estados Unidos, ang pinakamakapangyarihang bansa sa buong mundo.
Read: Trump or Biden: Who will be America’s choice?
Si Joe Biden nga ang lumamang sa botohan kasama ang kanyang bise presidente na si Kamala Harris na bumasag sa “glass ceiling” at gumawa ng kasaysayan bilang kauna-unahang babae sa naturang posisyon. Ipinagbunyi ‘di lamang ng mga Amerikano kundi sa iba’t-ibang panig ng mundo ang sinasabi nilang pagbabalik ng kinang at dangal ng USA.
Isa na nga ang mga Pilipino na talaga namang inabangan ang makasaysayang tagpo hanggang sa...
Opinion
Day Off tuwing Linggo: Bakit nagalit ang taumbayan sa mabagal na pagresponde sa Bagyong Rolly?
Sino nga namang matutuwa kapag nagtrabaho ka sa araw ng day off mo? Araw na kung saan puwede kang magpetiks at humilata buong araw nang walang iniisip. Pero kung sa gitna ng sakuna at kalamidad, kaya mo bang pumikit na lang at matulog nang mahimbing habang marami ang nasa panganib dulot ng bagyo?
Nitong nakaraang Linggo nga ay sinalanta ng pinakamalakas na bagyo ngayong taon, ang bagyong Rolly, ang malaking bahagi ng Luzon sa bansa. Higit na napuruhan ang rehiyon ng Bikol.
PHOT
Kataka-takang wala ang pinuno ng bansa na siyang inaasahang manguna para sa lahat sa mga ganitong alanganing...
Opinion
Editoryal: Red Tagging sa Pinas, sino nga ba ang tunay na terorista?
Ngayong linggo, “Red Tagging” ang mga salitang umagaw ng ating atensyon na talaga namang mainit na pinag-uusapan. Mga opisyal ng iba’t-ibang sangay ng pamahalaan at mga artista ang dawit sa isyung ito; nagpapalitan ng kani-kanilang opinyon at saloobin na laman ng mga balita at pahayagan sa mga oras na ito.
Okay, sigurado akong narinig mo na rin ito, pero alam mo ba ang kahulugan ng “Red-Tagging” at bakit ito mapanganib para sa karapatang pantao?
Ayon sa artikulong isinulat ng Vera Files, tinutukoy ng Oxford Living Dictionary ang "red-tagging" bilang panliligalig o pag-uusig ng isang tao dahil sa "kilala o pinaghihinalaang...
Opinion
Editoryal: Mga ‘di malilimutang ‘drama serye’ sa pulitika ngayong 2020!
(Paalala: ang artikulong ito ay naglalaman ng mga opinyon o kuro-kuro tungkol sa mga kwento at balitang lumabas sa nakalipas na mga buwan. Ang lahat ng mga paksang mababanggit ay mula sa malayang pagsulat at perspektibo ng may-akda).
Drama. Isa ito sa pinakapaboritong tema ng palabas ‘di lamang ng mga Pilipino kundi pati na rin sa buong mundo. Sa mga palabas na ito marahil humugot at nagkaroon ng inspirasyon ang mga manonood dahil ang ilan sa mga kwento ay sumasalamin sa totoong buhay.
Ngunit paano kung ang sobrang pagkahumaling ng mga tao sa drama ay naging daan pa para sa...
Opinion
Philippine National ID System na ba ang mabisang paraan para maiwasan ang ang krimen at identity theft?
Taong 2018 ay naging opisyal na batas na nga ang pagsusulong ng National ID sa Pilipinas, naging kontrobersyal man ang usaping ito sa mga nakalipas na dekada dahil ang hakbang daw na ito ay maaaring magamit upang labagin ang mga impormasyon at pribadong pagkakakilanlan ng mga tao, naisakatuparan pa rin para sa kapakanan ng mga mamamayan ng bansa.
ANO NGA BA ANG NATIONAL ID SYSTEM?
Ang Republic Act 11055 o “Philippine Identification System” o “Philsys” ay batas na nagtatakda sa pagkakaroon ng isang sentralisadong sistema para sa pagkakakilanlan ng mamamayan at rehistradong indibidwal ng Pilipinas.
Sa hakbang na ito, ang...