Default

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit. Quae nam consequatur reiciendis omnis esse, nesciunt!

Close Me

I AM A POPUP CUSTOM02

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit. Quae nam consequatur reiciendis omnis esse, nesciunt!

Close Me
[EDITORYAL] Dapat na nga bang magdeklara ng “Climate Change Crisis” ang Pilipinas?
By Mamaro 17 Nov 2020 8564

Malalakas na lindol, sunod-sunod na mga bagyo, at pabago-bagong kilma—ito ay ilan lamang sa mga nararanasan sa Pilipinas sa nakalipas na mga buwan, mga krisis pangkalikasan na nangangailangan nang agarang aksyon.

Nitong mga nakalipas na linggo, naranasan natin ang sunod-sunod na malalakas na bagyong tumama sa bansa ngayong taon na nagresulta sa malawakang pagkawasak ng mga ari-arian at pagkitil ng mga buhay, at ito ay malinaw na epekto ng “climate change” na nararanasan sa malaking bahagi ng mundo.

“Climate change” nga ang pinakamalalang epektong dulot ng global warming. Ayon sa pag-aaral ng Global Climate Risk Index 2015, sinasabing ang Pilipinas daw ang numerong unong pinaka-apektadong bansa ng krisis na ito. Malaking salik dito ang heograpiya ng bansa na nasa kanlurang bahagi ng karagatang Pasipiko na napipiligiran ng mainit na temperatura ng tubig na lubha pang tumataas kaya’t namumuo ang malalakas na bagyo na lubhang delikado para sa lahat.

Dapat na nga ba tayong magdeklara ng krisis pangakalikasan? Isang mabigat na tanong lalo pa’t patuloy pa rin tayong nakikipaglaban sa krisis pangkalusugan hanggang ngayon. Pero, higit sa maraming agam-agam, kinakailangan pa rin ang konkretong aksyon at paghahanda para sa mga parating pang sakunang dulot ng kalikasan.

Ayon sa PAGASA, bukod sa patuloy na pagtaas ng lebel ng mga karagatan na maaaring magpalubog sa mga lugar sa mga darating na dekada, narito pa ang ilang mga masamang epektong maaari nating sapitin kung magkikibit balikat lamang tayo.

KAWALAN NG MAAYOS NA PAGKUKUNAN NG TUBIG

Isa sa epekto ng climate change sa Pilipinas ay ang malawakang EL Nino o ang siklo ng pagkakaroon ng mainit na temperature ng tubig sa karagatang pasipiko.

Image via climaterealityproject.org

 

Sa Pilipinas, ito rin ay matatawag na malawakang tagtuyot, panahon na kung saan walang ulan ang babagsak at patuloy na iinit ang temperature. Malaki ang epekto nito dahil ito ang pinagkukunan ng irigasyon para sa sector ng agrikultura, tubig para sa mga dams na nagsu-suplay sa malaking populasyon ng bansa, mga kagubatan, at ilang kabuhayan. Ito ang malaking suliranin ng bansa kung patuloy na iiral ang epekto nito.

PANGGUGUBAT AT PANGINGISDA

Ayon sa pag-aaral, ang pabago-bagong sistema ng dami ng ulan at patuloy na pagtaas ng temperatura ay nakakaapekto sa ecosystem ng mga kagubutan na kung saan naninirahan ang mga hayop at mga puno at halaman. Sa ganitong sitwasyon, tuluyang masisira ang ilan sa mga kagubatang pangunahing pinagkukunan ng marami nating kababayan ng kabuhayan.

Ang mainit na tempatura at kawalan ng tubig sa mga kagubatan rin ang nagiging dahilan ng mga malawakang forest fire sa iba’t-iabng bahagi ng mundo.

Ang pangingisda na pangunahing hanapbuhay ng maraming mga Pilipino ay patuloy na naaapektuhan ng krisis na ito. Kung mainit ang temperature ng tubig, aalis ang mga isda at lilipat sa mas malamig na bahagi ng karagatan—sa madaling salita dadalang ang huli at kakaunti lamang ang kikitain ng mga mangingisda. Ilan lamang ito sa domino effect na maari nating maranasan.

 

MGA LUGAR AT TIRAHAN SA TABING DAGAT

Malaking banta ang climate change para sa mga naninirahan sa mga tabing dagat dahil ayon sa pag-aaral na ginawa ng Climate Central na mahigit 150 milyong kataong nakatira sa mga lugar malapit sa tabing dagat ay maaaring malubog sa taong 2050 at sinasabing ang mga nakatira sa Timog-Silangang Asya kabilang na ang Pilipinas ang lubhang maapektuhan.

Isa sa nakikitang malubhang malulubog ay ang siyudad ng Maynila sa taong 2100. Tingnan ang larawan:

 

Image via Climate Central

Maraming mga lugar sa Pilipinas ang pinangangambahang malubog dahil sa patuloy na pagtaas ng lebel ng mga tubig sa dagat, kaya’t kaugnay nito ang malawakang trahedyang kinatatakutang mangyari ng mangyari sa hinaharap.

 

KALUSUGAN

Ang aspeto ng kalusugan ang isa sa pinakamalalang maapektuhan ng climate change base sa pag-aaral na inilabas ng PAGASA. Ang mga pagtuloy na pabago-bago ng klima sa bansa ay maaaring makaapekto sa mga tao sa pagkakaroon ng iba’t-ibang sakit.

Alam nating lahat na ang katawan ay may sapat na temperature lamang na binabatayan at tiyak na hindi kakayanin ang sobrang init at lamig na panahon.

Marami ang magkakasakit at mamamatay kung sakaling lulubha pa ang nararanasan nating malalang krisis sa kalikasan.

Ang mga nabanggit sa itaas ay ilan lamang sa mga maaaring kaharapin ng Pilipinas sa patuloy na paglala ng sitwasyon.

Marami sa atin ang nagkikibit balikat lamang sa isyung ito at hinahayaan lamang na mangyari ang mga bagay kasi nga naman daw ay kalikasan ang may gawa, pero tanong ko lang, ‘di ba tao ang nagtutulak sa kalikasan para magalit?

Hindi lalala ang sitwasyon kung ‘di natin inabuso ang oportunidad na binigay sa atin ng kalikasan.

Kaya’t isipino mo, oo ikaw nga, kalian ka pa kikilos? Kailan ka pa maghahanda? ‘pag nasa harap mo na ang problema?

Kagaya mo, wala rin akong matibay na suhestiyon o punto upang manguna sa mga hakbang pangkaligtasan para sa kaligtasan, ngunit may magagawa ka, simulan mo sa iyong sarili, gawin mo ang mga simpleng paraang alam mopara sa kalikasan, may magagawa ka!

May magagawa tayo!

Related Reads


What's New

More Articles