Default

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit. Quae nam consequatur reiciendis omnis esse, nesciunt!

Close Me

I AM A POPUP CUSTOM02

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit. Quae nam consequatur reiciendis omnis esse, nesciunt!

Close Me
[Editoryal] Kumusta kaya ang Paskong Pinoy ngayong may pandemya?
By Mamaro 01 Dec 2020 1941

Sa wakas at umabot na rin tayo sa huling buwan ng 2020, taong gustong-gusto na nating tapusin kasama ng mga mala-bangungot na pangyayaring nagpatigil sa buong mundo. Eksayted ka na ba?

Disyembre na nga, at ibig sabihin rin nito ay malapit na ang pasko na pinakahihintay natin taon-taon, ngunit dahil sa banta ng pandemya, ito na yata ang magiging pinakamalungkot na Paskong Pinoy sa kasaysayan—walang carolling, pagbabawal sa mga Christmas parties at mga pagtitipon, at limitadong bilang ng mga taong dadalo para sa simbang gabi.

Malaki ang posibilidad na ‘di natin mararanasan ang lahat ng  ating mga naka-ugaliang tradisyon, kaya tiyak na mas magiging malamig pa lalo ang simoy ng hangin sa araw na ito. Kumusta nga kaya ang Paskong Pinoy ngayong may malalang pandemya sa bansa?

 

BAWAL ANG PANGANGAROLING

Sa pulong na isinagawa kahapon, Nobyembre 30, 2020, ng Metro Manila Council kasama ang mga alkalde, sinabi ni Parañaque city Mayor Edwin Olivarez, Head of Metro Manila Council, na bawal ang carolling ngayong taon kaugnay pa rin ng patuloy na pag-iingat sa paglaganap ng virus sa bansa.

Wala na tayong maririnig na mga tinig sa bawat sulok ng lansangan na nagdudumaling makapag-ikot sa mga kabahayan na siyang malalim na simbolo n gating kapaskuhan.

 

WALANG CHRISTMAS PARTY

Para naman sa pagdiriwang ng mga Christmas party sa ating bansa, mahigpit na iminumungkahi na hindi na muna magkaroon ng mga selebrasyon kung maaari, ngunit para naman sa mga nais magdiwang, hanggang sampu katao lamang daw ang papayagan para magsama-sama.

“Do’n po sa ating mga private offices, dini-discourage po natin ang Christmas party natin, mananatili pong 10 persons per gathering,” sinabi ni Olivarez sa isang panayam ng Teleradyo pagkatapos ng miting ng mg alkalde.

Nakakalungkot mang isipin na walang magaganap na kasiyahan at salo-salo ngayong taon kasama ang mga kaibigan at kapamilya ngunit ano ba naman ang pansamantalang sakrispisyo para sa kapakanan ng nakakarami at higit sa lahat ang kaligtasan ng lahat.

Pero sa kabilang banda, alam naman natin na ‘pag umiral ang ugaling pasaway ng mga Pilipino, gagawa at gagawa pa rin ng paraan upang mairaos ang ninanais ng damdamamin, pero sana’y ‘wag pa rin umiral ang katigasan ng ulo ng marami upang maging matiwasay pa rin an gating selebrasyon.

 

30% CAPACITY PARA SA SIMBANG GABI

Matatandaang ipinag-utos ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases Resolutions (IATF) na 10% ang maaaring makadalo ng misa sa mga simbahan upang patuloy na maiwasan ang patuloy na paglaganap ng virus.

Ngayong kapaskuhan, isang tradisyong Pinoy na naman ang inaabangan ng marami—ang simbang gabi. Inanusyo ng Malakanyang na maaaring makadalo ang 3o% na mga tao lamang sa mga simbahan sa Disyembre 16.

"We had to cancel All Saints' Day, our cemeteries are closed, and we've canceled many religious gatherings. So maybe, somehow, we can still continue our Christmas traditions though Simbang Gabi will only be at 30%," sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque said sa isang panayam ng PTV.

Isa itong magandang balita para sa lahat ng mga mananampalataya dahil maaari pa rin nilang maituloy nang bahagya ang tradisyong pinagtibay ang kamalayan ng mga Pilipino.

Sa pangkalahatang pananawa, maaari mo pa rin naming ipagdiwang sa loob ng inyong tahanan at mga bakuran ang kapaskuhan basta’t mahalagang masunod ang hakbang pangkalusugan nang sa gayo’y wala ng aberya pa ang danasin.

Totoong nakakalungkot na hindi natin buong marararanasan ang ‘Paskong Pinoy’ na mayroon tayo na talaga naming maipagmamalaki sa buong mundo dahil sa pandemya.

Marahil, ito na rin ang tamang panahon upang magnilay-nilay at patuloy na magdasal para sa mga pangyayaring nagaganap sa mundo, at higit sa lahat ay ang pasasalamat para sa marami pang pagkakataon ng buhay.

Isang maligayang Pasko sa inyong lahat, kapit lang!

 

Related Reads


What's New

More Articles