Opinion
[Editoryal] Positibo nga ba ang pananaw ng mga Pilipino sa darating na Pasko?
3 araw na lang at Pasko na, damang-dama mo na ba ang araw na pinakahihintay nating lahat upang ipagdiwang ang kapanganakan ni Hesu Kristo at magsaya kasama ang lahat ng ating mahal sa buhay?
Dahil sa banta ng pandemya at sunod-sunod na kalamidad na naranasan sa bansa, t’yak na hindi magiging madali ang salubungin ang araw na ito ng buong ligaya; ang liwanag ng pag-asang nanaig sa ating lahat ay ‘di kasing kinang ng mga nagdaang taon.
(Read: [Editoryal] Kumusta kaya ang Paskong Pinoy ngayong may pandemya?)
Sa kabila ng mga mabibigat at masalimuot na mga pangyayaring dinanas ng Pilipinas...
Opinion
[Editoryal] Ligtas nga bang sumali sa solidarity trial ng mga bakuna kontra COVID-19?
Halos sampung buwan na ang nakakalipas nang isailalim ang Pilipinas sa lockdown. Nagbago ang takbo ng buhay, nagbago ang ikot ng mundo.
Ngayong Disyembre, pag-asa ang hatid na balita ng mga nangungunang bansa sa paggawa ng mga bakuna na makakapuksa sa virus. Ito na marahil ang isang magandang regalong matatanggap ng lahat kung sakali—maraming salamat sa walang tigil na pagtatrabaho ng mga dalubhasa sa buong mundo.
Ngunit, sa kabila ng mga bakunang nakalinya at sinasabing magliligtas sa maraming mga buhay, marami pa rin ang nag-aalinlangan kung ligtas ba talaga ang mga ito? Siyento porsyento ba ang resulta ng mga pagsasaliksik...
Opinion
[Editoryal] Kumusta kaya ang Paskong Pinoy ngayong may pandemya?
Sa wakas at umabot na rin tayo sa huling buwan ng 2020, taong gustong-gusto na nating tapusin kasama ng mga mala-bangungot na pangyayaring nagpatigil sa buong mundo. Eksayted ka na ba?
Disyembre na nga, at ibig sabihin rin nito ay malapit na ang pasko na pinakahihintay natin taon-taon, ngunit dahil sa banta ng pandemya, ito na yata ang magiging pinakamalungkot na Paskong Pinoy sa kasaysayan—walang carolling, pagbabawal sa mga Christmas parties at mga pagtitipon, at limitadong bilang ng mga taong dadalo para sa simbang gabi.
Malaki ang posibilidad na ‘di natin mararanasan ang lahat ng ating mga naka-ugaliang tradisyon, kaya...
Opinion
[Editoryal] Natatanaw na nga ba ang katapusan ng pandemya sa Pilipinas?
Ngayong Nobyembre, umabot na sa lagpas 420,000 ang kabuang bilang ng kaso ng tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas at inaasahang patuloy pa ring tataas at tinatayang umabot sa kalahating milyon ayon sa University of the Philippines OCTA Research Team.
(Read: Flattening the Curve: Is the Philippines one of the Countries in the World Winning against COVID-19 Pandemic?)
Walong buwan na nga ang nakakalipas nang simulan ang lockdown sa bansa, ngunit tila ‘di na ito alintana ng marami at ipinagwawalang bahala na lamang ang virus—labas dito, pasyal doon. Pilit na niyakap na lang ang “new normal” at kinailangang iwaksi ang takot...
Opinion
[EDITORYAL] Dapat na nga bang magdeklara ng “Climate Change Crisis” ang Pilipinas?
Malalakas na lindol, sunod-sunod na mga bagyo, at pabago-bagong kilma—ito ay ilan lamang sa mga nararanasan sa Pilipinas sa nakalipas na mga buwan, mga krisis pangkalikasan na nangangailangan nang agarang aksyon.
Nitong mga nakalipas na linggo, naranasan natin ang sunod-sunod na malalakas na bagyong tumama sa bansa ngayong taon na nagresulta sa malawakang pagkawasak ng mga ari-arian at pagkitil ng mga buhay, at ito ay malinaw na epekto ng “climate change” na nararanasan sa malaking bahagi ng mundo.
“Climate change” nga ang pinakamalalang epektong dulot ng global warming. Ayon sa pag-aaral ng Global Climate Risk Index 2015, sinasabing ang Pilipinas...