Default

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit. Quae nam consequatur reiciendis omnis esse, nesciunt!

Close Me

I AM A POPUP CUSTOM02

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit. Quae nam consequatur reiciendis omnis esse, nesciunt!

Close Me
[Editoryal] Positibo nga ba ang pananaw ng mga Pilipino sa darating na Pasko?
By Jhoemz Vercide 22 Dec 2020 1205

3 araw na lang at Pasko na, damang-dama mo na ba ang araw na pinakahihintay nating lahat upang ipagdiwang ang kapanganakan ni Hesu Kristo at magsaya kasama ang lahat ng ating mahal sa buhay?

Dahil sa banta ng pandemya at sunod-sunod na kalamidad na naranasan sa bansa, t’yak na hindi magiging madali ang salubungin ang araw na ito ng buong ligaya; ang liwanag ng pag-asang nanaig sa ating lahat ay ‘di kasing kinang ng mga nagdaang taon.

(Read: [Editoryal] Kumusta kaya ang Paskong Pinoy ngayong may pandemya?)

Sa kabila ng mga mabibigat at masalimuot na mga pangyayaring dinanas ng Pilipinas ngayong taon, hindi pa rin naman sigurong masamang ipagdiwang ang Pasko sa paraang nais natin bilang ‘banlaw’ na rin sa pait ng 2020 ika nga, basta’t masusunod pa rin ang lahat ng hakbang pangkalusugan para maiwasang ang hawaan.a

Maraming Pilipino pa rin ang positibo ang pananaw sa darating na Pasko, at narito ang ilan sa mga dahilan.

 

BAKUNA NG COVID-19

Ngayong Disyembre, maaaring masimulan na ang pamamahagi ng bakuna sa mga lugar sa bansa na may pinakamaraming kaso ng COVID-19 gaya ng Metro Manila at rehiyon ng Calabarzon ayon kay Philippine vaccine czar and National Task Force Chief Implementer Carlito Galvez Jr.

“We will concentrate on focus areas that emerge as ‘epicenters’ of the pandemic and then we will focus on the sectors or priority groups,” sabi ni Glavez sa isang webinar kasama ang ilang opisyal ng DOH.

Ang unang mabibigyan ng bakuna ay ang mga frontline health workers sa mga pampubliko at pribadong ospital, mga temporary treatment at monitoring facilities, regional health offices, field workers, contract tracers, at mga barangay health stations kasama ang emergency response teams.

Kabilang din dito ay ang mga frontline workers na nagtatrabaho sa tanggapan ng  (DSWD), Department of the Interior and Local Government (DILG), Bureau of Jail Management and Penology, at Bureau of Corrections.

Samantala pagkatapos mabigyan ang bakuna ang first priority, susunod naman ang mga senior citizens, mga mahihirap, at uniformed personnel

Ang tinitingnang bakunang ibibigay ay ang Sinovac ng China o ang Sputnik V COVID-19 vaccine ng Russia bilang mga mauunang matapos at ipamahagi.

(Read: Is 'Sputnik V' safe? Global health experts worry about Russia’s COVID-19 ‘rushed’ vaccine!)

Ang balitang ito ay isang pag-asa sa bansa para sa daraing na Pasko, isang pinakamagandang regalo na matatanggap nating lahat kung sakaling tuluyang maging epektibo ang bakunang pupuksa sa nakamamatay na virus.

 

BAHAGYANG PAGBAGAL NG KASO NG TINAMAAN NG VIRUS

Hindi katulad ng mga nakaraang buwan, bahagyang bumagal daw ang paglobo ng bilang mga kaso ng tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas at sinasabing magandang indikasyon daw ito sa pakikipaglaban dito ayon sa mga eksperto.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire: "'Pag tiningnan natin 'yong number of cases natin and we look at the trends, 'yong average per week, nakikita natin, oo, bumababa... Pero makikita pa rin natin mayroong mga lugar pa rin na mayroong piling pagtaas ng number of cases.”

Ayon naman kay Dr. Leachon, dating adviser ng National Task Force on COVID-19 magandang indikasyon daw ang mababang reproductive number sa ngayon, na mas mababa na sa 1, na ang ibig sabihin, ang isang taong may sakit ay mas kaunti na ang nahahawahan.

Pero dapat pa ding maintindihan na nananatili umanong mataas ang positivity rate ng Pilipinas, na nangangahulugang laganap pa rin ang sakit.

Unti-unti na nga na nanakasanayan ng mga Pilipino ang mamuhay sa tinatawag na “new normal” dahil wala na rin naming mapagpipilian pa, ang virus ay patuloy pa ring pumupuksa sa marami pang mga buhay kaya’t kahit na lumuwag ang ilang mga hakbang pangkalusugan, dapat ay patuloy pa rin ang pag-iingat ng marami.

 

TULOY ANG PASKONG PINOY SA ANUMAN ANG MANGYARI

Isa sa mga postibong pananaw na nanaig sa mga Pilipino ay ang pag-yakap pa rin  sa pag-asa, kaya ang paghihintay at pagdiriwang ng Pasko mismo ay ang isa sa magandang indikasyon na tuloy pa rin ang buhay ng Pilipino sa kabila ng napakaraming pangit na nangyari sa bansa.

Tuloy ang “Merry Christmas” kahit na hindi tayo magkakasama ng personal, salamat sa kapangyarihan ng teknolohiya dahil maaari pa rin tayong makapagdiwang nang sabay-sabay at higit sa lahat malayo sa takot nab aka magkahawaan ng virus.

(Read: New ways to celebrate upcoming holidays in the new normal)

Anuman ang mangyari hindi matitinang ang pusong Pilipino na magsaya sa darating na kapaskuhan—mananaig at mananaig ang diwa ng pagbibigayan ay pagmamahalan kahit na tayo’y nasa gitna ng problemang walang nakakaalam kung kalian matatapos.

Hindi ko alam kung ano pa ba ang pwede kong sabihing dahilan kung bakit positibo pa rin ang maraming Pilipino sa darating na Pasko, pero ang dahilang tayo ay buhay at patuloy na lumalaban ay isang matibay na katotohanang dapat nating ipagdiwang kailanman.

Isang maligaya at maingat na Pasko sa ating lahat!

Related Reads


What's New

More Articles