Default

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit. Quae nam consequatur reiciendis omnis esse, nesciunt!

Close Me

I AM A POPUP CUSTOM02

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit. Quae nam consequatur reiciendis omnis esse, nesciunt!

Close Me
[Editoryal] Natatanaw na nga ba ang katapusan ng pandemya sa Pilipinas?
By Mamaro 24 Nov 2020 1216

Ngayong Nobyembre, umabot na sa lagpas 420,000 ang kabuang bilang ng kaso ng tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas at inaasahang patuloy pa ring tataas at tinatayang umabot sa kalahating milyon ayon sa University of the Philippines OCTA Research Team.

(Read: Flattening the Curve: Is the Philippines one of the Countries in the World Winning against COVID-19 Pandemic?)

Walong buwan na nga ang nakakalipas nang simulan ang lockdown sa bansa, ngunit tila ‘di na ito alintana ng marami at ipinagwawalang bahala na lamang ang virus—labas dito, pasyal doon. Pilit na niyakap na lang ang “new normal” at kinailangang iwaksi ang takot upang magpatuloy sa buhay, ituloy ang nakasanayan sa bagong paraan at pananaw.

 (Read: Modified ECQ in Metro Manila: Here are the reasons why are people going out amid the pandemic threat; The "New Normal" Bill: Here's What to Expect after Quarantine Period)

‘Di mo rin sila masisisi dahil wala namang ibang pagpipilian. Para mabawasan  ang labis na pag-aalala, takot, at maaaring magtulak sa depresyon, ito ang naging daan para panandaliang makalimot sa pandemyang lumukob sa ating lahat. Ngunit kaugnay ba ng positibong pananaw na ito ay natatanaw na ba ng bansa ang pagtatapos ng pandemya? Malapit na nga ba nating ma-alpasan ang krisis na ito?

(Read: Pandemic Anxiety is Real! Here are Self Care Tips to Calm Your Mind; Depression, Mood Disorder on the rise during the pandemic)

 

SITWASYON NG COVID-19 SA PILIPINAS NGAYONG NOBYEMBRE

“Plateauing” ang salitang ginamit ng Department of Health (DOH) sa paglalarawan sa sitwasyon ng COVID-19 sa bansa ngayong buwan na ang ibig sabihin ay isang lebel o estado na kung saan walang pagbabagong nagaganap pagkatapos ng ilang buwan sa kabila ng mga hakbang na isinasagawa.

 Patuloy ang pagdaragdag ng 2,000 pababa na kaso kada-araw na itinuturing na average na bilang sa bansa.

Ayon din kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, na ang critical care ay nasa moderate risk na sitwasyon sa bansa. Isang malaking dagok sa patuloy na paglobo ng mga kaso sa ating bayan.

"In general terms for the whole country, the trend is plateauing and critical care is at moderate risk," sabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vegeire sa isang press briefing.

Malinaw sa pahayag na ito na walang pagbabago bagkus ay patuloy lamang ang mga nangyayari simula pa noong Marso, kaya kung pagbabatayan ito, malayong-malayo pa ang pag-asa ng bansa sa paglutas ng krisis-pangkalusugang ito.

Isang malungkot na kabanata ng ating mga buhay ang bangungot na ito na patuloy pang kumikitil sa buhay ng mga nilalang sa mundo.

(Read: #COVID19PH: Filipino Frontliners who have died fighting the pandemic outbreak)

Sa kabilang banda, kahapon, ika-23 ng Nobyembre, ay pormal na nga na inaprubahan ng Pangulong Duterte ang panimulang pagbabayad para sa bakuna mula sa kumpanya ng Pfizer para sa mga Pilipino na kinumpirma ni Vergeire sa isang press briefing.

Ayon sa datos na inilabas ng Pfizer, naging matagumpay ang Phase 3 ng clinical trials ng bakuna sa pagpigil ng mild at malalang kondisyon ng COVID-19, at sinasabing epetibo ito ng 95%  at walang malalang side effects ang naitala.

Ang hakbang ng Pangulo para sa agarang paglabas ng pondo ay isang mainam na hakbang upang makapagreserba ang Pilipinas ng mga suplay para sa mga Pilipino ayon sa DOH.

(Read: The Virus Impact: Will COVID-19 stay with us forever?)

Samantala, inahain din kahapon ng mga mambatas sa kamara ang pagpapatupad ng “Bayanihan 3 Bill” para sa patuloy na paglalaan ng pondo para sa agarang pagresponde at mga programang naglalayong pasiglahin ang ekonomiya sa gita ng pandemya.

Isang madaliang kapangyarihan na naman na inaasahan ng marami na mapunta sa tama at sapat na proyekto upang patuloy na makatulong sa mga sector na labis at higit na nangangailangan.

Kung ako ang inyong tatanungin kung nasaan na nga ba ang Pilipinas sa pakikipaglaban kontra COVID-19, hindi ko rin masasagot nang buo ngunit kung titingnan natin ang kalagayan sa paligid, malayong-malayo pa tayo sa katotohanan.

Kaya’t sana’y patuloy pa rin ang pag-iingat ng marami habang patuloy rin ang pag-ikot ng kalabang hindi pa rin natin nakikita.

Oh, kung ikaw ang tatanungin, nakikita mo na ba ang finish line sa labang ito?

Related Reads


What's New

More Articles