Default

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit. Quae nam consequatur reiciendis omnis esse, nesciunt!

Close Me

I AM A POPUP CUSTOM02

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit. Quae nam consequatur reiciendis omnis esse, nesciunt!

Close Me
Goodbye 2020: Mga 'di malilimutang pasabog ngayong taon!
By Mamaro 29 Dec 2020 1030

Sa wakas, dalawang tulog na lang mula ngayong araw ay 2021 na, matatapos na rin ang 2020, ang taon na punong-puno ng mapapait at masalimuot na pangyayaring nagpabago sa takbo ng ating mga buhay.

Ngayong tayo ay nasa makabagong panahon, aminin mo, palala nang palala ang mga nagaganap na kalamidad at sakuna na talagang sumubok sa katatagan nating mga Pilipino—pandaigdigang unos, pangkalikasang trahedya gaya ng lindol, bagyo, at wild fires, pandemyang kumitil sa libo-libong buhay, at iba pang mga krisis na gawa ng mga tao.

Hindi biro ang mga bangungot na binigay ng taong ito sa ating lahat, na ni sa hinagap ay hindi natin nakita—bumulaga na lamang para maminsala at sumira ng mga ari-arian, kabuhayan, at buhay.

Ano-ano nga ba ang mga ‘di malilimutang’ pasabog ng taong 2020? Tara at balikan natin sa huling pagkakataon bago natin salubungin ang bagong taon.

 

ENERO 2: AUSTRALIA BUSHFIRE

Sino ba namang makakalimot sa isa sa pinakamalalang bushfire sa kasaysayan ng makabagong panahon; dahil sa mahigit dalawang buwang pagkalat ng apoy sa South Wales Australia, tatlong beses isinailalim sa State of Emergency ang lugar.

(Read: 2020 has just started, but we want it to end already)

Pinaniniwalaang bilyon-bilyong mga hayop ang namatay sa trahedya kasama na ang mga halaman,at puno ang nawala sa pangyayaring ito na literal na sumabay sa pagsalubong dalawang araw matapos ang bagong taon.

 

ENERO 12: TAAL VOLCANO ERUPTION

Ang pagsabog ng Bulkang taal ang isa sa pinakamalaking dagok sa mga Pilipino sa pagsapit ng bagong taon.

Umabot sa Alert level 4 ang itinaas na estado ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHILVOLCS)sa bulkan matapos maapektuhan ang mga tahanan, kabuhayan, at buhay ng mga tao sa paligid nito.

Isinailalim ang buong rehiyon ng CALABARZON sa State of Calamity at ang pagsabog ng bulkan ay nagbunsod sa kakulangan ng suplay ng mga facemasks dahil sa mapanganib na abo na maaaring malanghap ng mga tao.

 

ENERO 25: KOBE BRYANT DEATH

Sa isang helicopter crash nagtapos ang buhay ng basketball legend na si Kobe Bryant kasama ang kanyang anak na si Gigi at pitong iba pa na dadalo lamang sa isang pagsasanay.

(Read: Celebrities, Sports World and Others Mourn the Death of Kobe Bryant)

Ito ay literal na ‘pasabog’ ng taon dahil sa nakakagulantang na maagang kamatayan ng basketbolista. Nagluksa ang buong mundo kabilang na ang mga Pilipino na nag-alay ng dasal at mga tribute para sa kanilang idolo.

(Read: Kobe Bryant: A Writer, Producer, Philanthropist, Husband, and A Father)

 

ENERO 30: FIRST CONFIRMED COVID-19 CASE IN THE PHILIPPINES

Naitala ang pinakaunang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas noong ika-30 ng Enero, isang 38-anyos na babae na mula sa Wuhan, China, lugar kung saan nagmula ang nakamamatay na virus.

Mula sa isa, lumobo ang bilang ng kaso ng 2019-nCov (unang pangalan ng COVID-19) sa bansa at patuloy na kumalat sa iba’t-ibang mga probinsya dahil sa hindi naagapan ng dapat na agarang pagpapatupad ng mga istriktong hakbang-pangkalusugan ng pamahalaan.

 

PEBRERO 11: WORLD HEALTH ORGANIZATION NAMED CORONOVIRUS DISEASE COVID-19

Ang sakit na dulot ng novel coronavirus na may unang pangalan na 2019-nCoV ay pormal na pinangalanan muli ng World Health Organization bilang COVID-19.

Sinabi ni WHO director-general Tedros Adhanom Ghebreyesus na kinakailangan palitan ang pangalan nito na walang kaugnayan sa lugar na pinagmulan, pangalan ng hayop, at mga indibidwal o grupo ng mga tao.

 

MARCH 25: PRESIDENT DUTERTE SIGNED A PROCLAMATION DECLARING A PUBLIC HEALTH EMERGENCY

Naunang isinailalaim ang buong Metro Manila sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang buong Metro Manila at sumunod naman ang buong Luzon upang maiwasan sana ang pagkalat ng virus sa buong bansa.

Ngunit halos sampung buwan na ang nakararaan ay nasa ilalim pa rin ang bansa sa lockdown na itinuturing na pinakamatagal sa buong mundo.

 

MARSO 25: PRESIDENT RODRIGO DUTERTE SIGNS THE BAYANIHAN TO HEAL AS ONE ACT OF 2020 

Dahil sa malaking pondong kakailangan sa pagsugpo ng COVID-19 sa bansa, sa loob lamang ng isang araw ay pinirmahan ng Pangulo ang karagdagang kapangyarihan na magtatakda sa kanya na magbitiw ng mga desisyon at maglabas ng dagdag pondo na gagamitin sa pangangailangan ng bayan.

 

APRIL 21: Winston Ragos, isang retiradong sundalo na nakipaglaban sa giyera sa Mindanao ay walang-awang binaril ng isang pulis sa Quezon City.

Isa na yata sa nakakapanlumong pangyayari sa Pilipinas ngayong taon ay ang pagkamatay ni Winston Ragos, isang sundalong hindi giyera kundi kapwa manananggol ang kumitil sa buhay sa isang checkpoint sa Quezon City.

(Read: Dahas o Lunas: Ano nga ba ang Tunay na Virus na Kinakaharap sa Bayan ni Juan?)

 

MAY 4:  ABS-CBN'S BROADCASTING OPERATIONS WERE SIGNED OFF THE AIR

Ang isa sa pinakamatagl na istasyon ng telebisyon at radyo sa Pilipinas ay naipasara at napatigil ang operayon matapos hindi mabigyan ng panibagong prangkisa ng pamahalaan sa iba’t-ibang kadahilanan.

(Read: Timeline: How and when the ABS-CBN closure threat started)

Mahigit 11,000 na empleyado sa buong bansa ang nawalan ng trabaho matapos ang mapait na desisyon sa istasyon. Itinuturing ang pangyayaring ito bilang pinakamadilim na bahagi sa kasaysayan ng malayang pamamahayag.

(Read: Bibig ng 11,000 ang 'di na kakain at pagkitil sa malayang pamamahayag: Bakit nga ba malaki ang epekto ng pagsasara ng ABS-CBN?)

 

MAY 25: BLACK LIVES MATTER

Nag-ugat ang malawakang protesta nang mapatay si George Floyd, isang amerikanong itim ng isang pulis sa di makataong pamamaraan. Napukaw ang atensyon ng buong mundo at nanawagan ng hustisyang sumiklab para sa pakikibaglaban ng karapatan at pagkatigil ng diskriminasyon.

(Read: Black Lives Matter, LGBT Pride advocate safe world for EVERYONE)

 

JUNE 15: Rappler CEO Maria Ressa found Guilty of Cyber Libel

Matapos ang pagpapasara ng ABS-CBN, nahatulang may sala o guilty ang CEO ng Rappler na si Maria Ressa at kapwa manunulat matapos ireklamo ng  negosyanteng si Wilfredo Keng ng paninirang puri tungkol sa isang artikulong inilimbag ng organisasyon

(Read: PH Press Freedom at Stake: Rappler CEO Maria Ressa found Guilty of Cyber Libel)

 

JULY 3: ANTI-TERRORISM BILL WAS SIGNED INTO LAW BY PRES. DUTERTE

Nagulantang ang buong sambayanan matapos na pirmahan at maisabatas ang Anti-Terrorism Bill, ang batas na magbibigay kapangyarihan sa gobyerno na hulihin ang mga taong kumakalaban dito at nagpapalaganap ng terorismo sa bayan.

(Read: EDITORYAL: Anti-Terrorism Bill naisabatas na! Ano-ano ang maaaring mangyari sa bayan ni Juan?)

 

AUGUST 4: BEIRUT EXPLOSION

Literal na pagsabog ngayong 2020 naman ang naranasan sa siyudad ng Beirut, ang kabisera ng bansang Lebanon. Dalawang Pinoy ang nasawi sa pagsabog ng imbakan ng 2,750 tonelada ng ammonium nitrate, isang pangunahing sangkap sa mga pataba ng lupa at ilang uri ng pampasabog na ginagamit, na anim na taong naka-imbak sa isang pantalan sa Beirut.

(Read: Beirut Explosion: Over 73 killed including 2 Filipinos)

 

AUGUST 4: PHILHEALTH CORRUPTION

Isa na marahil ito sa pinakamalaking pasabog ng 2020 sa Pilipinas. Sumiklab ang isyu ng nakawan sa pondo sa ahensya nang ibunyag ni Thorsson Montes Keith, dating empleyado, ang umano’y sabwatan ng PhilHealth Mafia o matataas na opisyal ng ahensya sa pangungulimbat ng mga kontribusyon sa iba’t-ibang paraan.

Napalitan ang President ng PhilHealth at magpahanggang sa ngayon hindi alam kung nasaang bahagi na ang takbo ng kaso.

(Read: PhilHealth "Mafia’ and the lost 15 Billion funds: Where did our contributions go?)

 

SEPTEMBER 3: MANILA BAY’S DOLOMITE BEACH FOR MENTAL HEALTH

Sa gitna ng paglala ng pandemya sa bansa at pangangailangan ng pondo, ang kwestiyonableng programa ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na Dolomite beach sa Manila Bay ay inuna pang maisakatuparan na mariing binatikos ng maraming Pilipino.

(Read: No, it’s not pure white sand, it’s Dolomite—here’s what to know about the material in Manila Bay!)

Sinabi pang Malaki raw ang magiging silbi nito sa mental health  ng mga Pilipino sa gitna ng pandemyang nararanasan.

 

SEPTEMBER 7: PRES. DUTERTE GRANTED PEMBERTON AN ABSOLUTE PARDON

Ang pagpapatawad ng bansa sa ika nga ng marami na mamamatay tao na si Joseph Scott Pemberton ay sinasabing pinakamadilim na kabanata sa pagkamit ng katarungan para kay Jennifer Laude, isang transgender na kanyang karumal-dumal na pinatay.

(Read: EDITORYAL: Ang naglahong katarungan sa laban ni Jennifer Laude)

Kinondena ng mga militanteng grupo at organisasyon ang naging desisyon na para sa kanila ay isang patunay ng hindi pantay na pagkiling ng katarungan para sa iilan.

 

OCTOBER 12: LORD ALLAN VELASCO IS THE NEW SPEAKER OF THE HOUSE

Matapos ang tila away bata sa pagitan ni Alan Cayeton at Speaker Lord Allan Velasco para sa kapangyarihan. Nanaig rin ang napagkasunduang usapan na magkaroon ng term sharing sa kongreso ngunit naantala lamang ito dahil sa kung ano pang drama ang ginawa ng dalawa na kinailangan pang pumagitna ng Pangulo.

(Read: Speaker Alan or Allan? Netizens feel “meh” about the resignation drama!)

 

NOVEMBER: TYPHOONS ROLLY, SIONY, TONYO, AND ULYSSES

Ang huling apat na bagyong sumalanta sa bansa ay patunay na lumalala ang krisis pangkalikasan—climate change—na kung hindi pa rin agarang aaksyunan ay patuloy pa rin mararanasan ang malawakang epekto sa mga susunod na taon.

Malawakang pagbaha na nagdulot ng pagkasira ng mga ari-arian at pagkitil sa maraming buhay ay ang pinakamasamang epekto ng lahat ng ito. Ito ay sinasabing kagagawan din daw ng mga tao dahil sa patuloy na pagkasira ng kalikasan na talaga naman sumubok sa katatagan nating lahat.

 

DECEMBER

Ngayong huling buwan ng taon, ang balita tungkol sa pagkakaroon ng mga bakuna para COVID-19 ay ang pinakamalaking pasabog na hinihintay nating lahat.

(Read: [Editoryal] Ligtas nga bang sumali sa solidarity trial ng mga bakuna kontra COVID-19?)

Sa mga nagawang bakuna, malalaman nating lahat sa mga susunod na buwan kung ano ang mas epektibo at makakatulong para sa milyong-milyong Pilipino na umaasang parating na ang lunas.

Sa lahat ng mga pasabog na ibinigay ng 2020, alam kong isa lang ang nais na natin, na matapos ang taon upang maghanda para sa panibagong simula at kumapit sa bagong pag-asa.

Ano-ano pa man ang masasakit na naranasan natin, mapalad pa rin tayo dahil nalagpasan natin ito nang ligtas at nagpapatuloy sa buhay.

Goodbye 2020, hello 2021!

 

Related Reads


What's New

More Articles