Default

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit. Quae nam consequatur reiciendis omnis esse, nesciunt!

Close Me

I AM A POPUP CUSTOM02

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit. Quae nam consequatur reiciendis omnis esse, nesciunt!

Close Me
[Editoryal] Ano nga ba ang epekto ng ‘illegal’ na COVID-19 vaccine sa Pilipinas?
By Mamaro 05 Jan 2021 1017

Bago tuluyang natapos ang taong 2020, isang napakagandang balita ang natanggap ng buong mundo tungkol sa bakuna kontra COVID-19. Isang regalong ating inasam-asam na magbibigay lunas sa pandemyang pilit sinisira ang pag-asa sa kamalayan ng marami.

(Read: [Editoryal] Ligtas nga bang sumali sa solidarity trial ng mga bakuna kontra COVID-19?)

Ilang kumpanya nga na gumagawa ng bakuna para sa virus ang nagpahayag ng kanilang kagustuhan na magsagawa ng clinical trial sa bansa na agad ikinatuwa ng maraming Pilipino. Ang lahat ng mga nasabing bakuna ay mahigpit na susuriin at pag-aaralan ng Food and Drug Administration (FDA) dahil sila ang magbibigay ng huling basbas at nakasalalay kung ligtas bang ibigay na ito sa marami.

Ngunit, sa kabila ng magandang balitang ito, may mga naglabasang kontrobersiya, diumano, na may nakatanggap na raw ng bakuna kahit wala pang pinal na pasya ang FDA.

Bago magbagong taon, lumabas ang ulat na nabigyan na raw ang ilang mga sundalo at miyembro ng gabinete ng ilegal na bakuna kahit hindi pa aprubado ang naturang gamot.

“I know some from the Cabinet and from the PSG (Presidential Security Group) who have already been inoculated,” sinabi ni Department of Interior and local government secretary Eduardo Ano sa isang panayam sa radyo.

Matapos lumabas ang balitang “mass early vaccination” sa bansa, agad nagbabala ang Department of Health at FDA sa paggamit ng hindi pa awtorisadong mga bakuna.

 

MASAMANG EPEKTO SA KALUSUGAN

Ang nasabing bakunang ‘ilegal’ na itinurok ay ang Sinopharm na ginawa ng China National Pharmaceutical Group na kung saan hindi naman nagpasa ng aplikasyon sa Pilipinas para sa emergency use approval na tanging Pfizer lamang ang nakagawa.

Sa kasalukuyan, ang huling lebel ng  clinical trials para sa Sinovac ng China, Gamaleya ng Russia, Janssen at Clover ng Johnson & Johnson ay ‘di pa naaprubahan hanggang ngayon, kahit naging kataka-taka ang agresibong pagbibigay ng bakunang hindi pa naman napatunayang mabisa para sa lahat.

Sabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, wala raw alam ang kanilang tanggapan tungkol sa mga naipamahaging bakuna sa mga sundalo at miyembro ng gabinete.

Sinabi naman ni Food and Drugs Administration Director Eric Domingo sa isang interbyu ng CNN na ang pag-aangkat, pagbibigay, at pamamahagi ng bakuna na ‘di pa aprubado ay ilegal at maaaring magdulot ng mga ‘di inaasahang side effects sa kalusugan ang lahat nang makakatanggap nito.

Maaaring labis na kapahamakan o tiyak na kamatayan ang kahinatnan ng sinumang makatanggap ng mga gamot na wala pang patunay ng masusing pag-aaral.

Nitong lunes naman, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi raw ilegal ang pagbibigay ng ‘di awtorisadong bakuna.

 “Huwag niyo namang ipagkait sa ating mga sundalo kung nagkaroon sila ng proteksyon. Tanggapin na lang natin na importante na iyong ating kasundaluhan, mga nagbabantay sa ating seguridad ay ligtas na sa COVID,” pagdidiin ni Roque.

 

NO TO VIP VACCINATIONS

Ang nakakadismayang balitang ito ay ‘di rin nakaligtas sa ‘galit’ ng mamamayan na tila muling pinaburan ang mga nakataas o VIPs lamang sa sitwasyong ito.

Ang UP Pharmaceutical Association Student Council (UPPhASC) ay naglabas ng pahayag tungkol sa diumano’y ‘di patas na pagkiling sa mga pwersa ng military na malinaw na mas dapat raw iprayoridad ang mga healthworkers na itinataya ang buhay at lumalaban sa pandemya.

Sinabi nilang mas nakita raw sa sitwasyong ito na kahit sa ‘di aprubadong bakuna ay muling inuna ang kapakanan ng mga kasundaluhan kahit na pang-lima pa ang hanay nila sa napag-usapang planong ginawa ng IATF sa pangunguna ni vaccine czar Carlito Galves Jr. ukol sa pamamahagi ng bakuna.

"The bypassing of the required technical evaluation from the FDA and prioritization of the military is a slap in the face to the thousands of medical frontliners sacrificing their lives in an underfunded healthcare sector without any adequate support from the government," sinabi ng UPPhASC sa isang pahayag.

Sa totoo lang nakakabahala ang buong pangyayaring ito na ultimo ating sariling gobyernong nagpapatupad ng batas ay sila pang walang kahihiyang tumataliwas dito—paano pa nga ba magtitiwala ang mga tao? Saan tayo kakapit kung mismong ating kinakapitan at inaasahang magpapalaganap ng disiplina at pagbabago ay unti-unti na ring nasisira.

Kung iisipin, halos ilang buwan na rin lang ay mag-iisang taon na tayong nakikipaglaban sa virus na ito, at ang bakunang ating hinihintay ay nababahiran pa ng mga agam-agam at takot, kaya’t bukod sa kondisyon ng kalusugan, maaaring magdulot pa ito nang labis na takot at pangamba sa ating isipan at mag-ugat ng iba pang suliranin.

Nakakalungkot at malinaw rin nating nakita ang baluktot na sistema ng mga nasa kapangyarihan at wala—ang pribilehiyong tinatamasa ng iilan lang, ang linya na patuloy na lumalayo sa pagitan ng isa’t-isa.

Ikaw ba? Anong masasabi mo sa pa-unang sakit ng ulo ngayong 2021 na dulot ng gobyernong ito?

Related Reads


What's New

More Articles