Default

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit. Quae nam consequatur reiciendis omnis esse, nesciunt!

Close Me

I AM A POPUP CUSTOM02

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit. Quae nam consequatur reiciendis omnis esse, nesciunt!

Close Me
[EDITORYAL] “Bakuna hindi Cha-Cha,” ang sigaw ng taumbayan!
By Mamaro 12 Jan 2021 1333

Sa gitna ng napakalaking suliraning pangkalusugan na kinakaharap ng bansang Pilipinas, gumugulong naman ang usapin tungkol sa Cha-Cha o Charter Change, ang pagsulong sa hakbang na amyendahan ang ilang probisyon ng 1987 na konstitusyon ng bansa.

Malaki ang krisis sa pag-angkat ng mga bakuna—ito ang isang mainit na pinag-uusapan sa bayan ngayon dahil sa tila walang maayos na koordinasyon ng pambansang pamahalaan sa iba’t-ibang lungsod sa Pilipinas.

(Read: LOOK: LGUs step-up for “safe” COVID-19 vaccines while gov’t pushes China’s Sinovac)

Dahil sa tila pagkiling at pagkagusto ni Health Secretary Duque na ang Sinovac ng China na may mababang efficacy rate o epektibong sangkap panlaban sa virus ang maging pangunahing bakuna para sa mga Pilipino, nagkaroon ng pagkawatak-watak sa pagbili at pagkuha ng mas ligtas at epektibong bakuna ang maraming siyudad sa bansa.

(Read: [Editoryal] Ligtas nga bang sumali sa solidarity trial ng mga bakuna kontra COVID-19?)

Marami ang umalma sa hakbang na ito ng gobyerno na halatang-halata na may pinapaburan sa mga distrubyutor ng bakuna.

“Bakuna muna bago Cha-Cha” sigaw ng maraming Pilipinong nagmamahal sa bayan. Marami ang naniniwala na inaaksaya ng pamahalaan ang oras sa mga bagay at usaping hindi akma at angkop sa kasalukuyang suliraning patuloy na pinagdaraanan—isang matibay na basehan na hahamakin ng mga nasa kapangyarihan ang lahat, upang manaig lamang ang personal na hangarin.

 

ANO NGA BA ANG CHARTER CHANGE?

Sinasabi ang Charter change (Cha-Cha) o ang pagbabago sa konstitusyon ang diumano’y makakapagpabago sa kalagayan ng bansa. Ilang beses na itong tinangkang maisakatuparan mula pa noong panahon ng Presidente Gloria Arroyo.

Napapanahon na raw na baguhin ang batas na ibinalangkas matapos ang Rebolusyong EDSA noong 1986. Sa pangunguna ni noo’y Presidente Cory Aquino, pinili niya ang isang constitutional commission sa kanyang gobyerno na bumalangkas sa konstitusyon na pinagtibay sa isang plebisito ng mamamayan.

Ayon sa mga nais baguhin konstitusyon, ang konstitusyong nabuo noong 1987 ay hindi na raw angkop sa kasalukuyang sitwasyon at dapat nang baguhin para masolusyonan ang dinaranas na kahirapan ng mamamayan at ang matinding krisis sa lipunan.

 

ANO ANG MGA NAIS BAGUHIN SA KONSTITUSYON?

Base sa mga dalubhasa sa batas at mga ekspertong naglathala ng kanilang opinion patungkol sa isyung ito, narito ang ilan sa mga dahilan kung bakit nais nilang baguhin ang ilang bahagi ng konstitusyon.

  • Sa planong pagbabalangkas muli ng mga probisyon sa Saligang batas, nais palitan ang uri ng pamahalaan na mayroon sa Pilipinas—ang sistema ng gobyerno na mula sa sistemang presidential/bicameral/unitary patungong parliamentary/unicameral/ federal.
  • Tatanggalin ang iilang positibong probisyon sa kalayaang sibil at demokratikong karapatan na ipinagwagi ng mamamayan laban sa diktadurang Marcos at sa bangungot ng batas military
  • Pagsang-ayon ng konstitusyon ng mga bansa sa idinidikta ng imperyalismong US na malayang pagpasok ng dayuhang pamumuhunan at kanilang ganap na pag-aari ng mga lupain at likas na yaman ng bansa.
  • Pagsuporta ng Pilipinas sa “gera laban sa terorismo” ng US sa pagpapahintulot sa muling pagbabalik ng mga base at tropang militar ng Amerika na siguradong may bitbit na armas-nukleyar.

 

Sa pangyayaring ito marami ang umalma sa social media at ilang mga personalidad na nasa pulitika gaya ni dating ispiker Allan Cayetano at Bise Presidente Robredo.

Ayon sa panayam kay Cayetano, sinabi niyang hindi napapanahon at hindi makabubuti sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa partikular sa gitna ng nararanasang pandemya na isulong ang hakbangin maamyendahan ang ilang probisyon ng Konstitusyon.

 “We have some controversial issues, Cha-Cha (Charter Change), pag-abolished or pag-modify ng party-list and also ‘yung death penalty. Question ko sa inyo ngayon, anong mas importante, ‘yung tatlong iyon o (COVID 19) vaccination?” ang sabi ni Cayetano.

Iginiit niya na mas higit na importanteng pa rin matutukan ng pamahalaan at ng Kongreso ang patungkol sa inaabangang COVID 19 vaccination.

 Ang kampo naman ni Bise Presidente Leni Robredo ay nagsabing aksaya lang daw ito ng oras at nararapat na asikasuhin muna ang problema sa bakuna bago unahin ng mga mambabatas na amiyendahan ang Saligang Batas ng bansa.

Ayon kay Atty. Barry Gutierrez, tagapagsalita ni VP Robredo, kataka-taka na sa gitna ng mga hinaharap na problema ng Pilipinas dahil sa COVID-19 pandemic ay nagawa pa rin daw isingit ng ilang opisyal ang hindi naman napapanahong hakbang.“It’s amazing that even as we continue to struggle with COVID-19, lost jobs, and a shrinking economy, we have “leaders” who still find ways to waste our people’s time and money,” sabi ni Gutierrez.

Dagdag pa ni Gutierrez:  “Pwede bang tiyakin muna natin na magkaka-bakuna ang bawat Pilipino bago mag-aksaya na naman ng oras sa ChaCha?.”


Sa isyu ng Cha-Cha, nilinaw naman ng Malakanyang na walang balak ang Pangulong Duterte na manatili pa sa pwesto pagkatapos ng kanyang termino sa Hunyo 30, 2022.

Narito naman ang reaksiyon ng mga netizens sa usaping ito:

Hindi rin nating maiiwasang mag-isip na bakit sa gitna ng napakaraming suliranin ng bansa, marami pa ring mga inuunang hindi naman kinakailangang gawin kaya’t nagkakawatak-watak ang mga tao sa kung ano ang paniniwalaan at susundin.

Sa kabilang banda, nakakatuwang isipin na gumagawa na rin ng hakbang ang mga lokal na pamahalaan upang matugunan  ang pangangailangan ng maraming Pilipino sa bakuna.

 

Related Reads


What's New

More Articles