Default

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit. Quae nam consequatur reiciendis omnis esse, nesciunt!

Close Me

I AM A POPUP CUSTOM02

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit. Quae nam consequatur reiciendis omnis esse, nesciunt!

Close Me
Usiserong Pinoy: Gaano ba ka-usisero si Juan sa lahat ng bagay?
By Jhoemz Vercide 22 Sep 2020 1065

Sabi nga sa isang salawikaing pinoy, ‘wag na ‘wag kang matutulog sa pansitan kung ayaw mong maubusan, ito ang mga katagang ating naririnig mula noon na palaging sinasabi ng mga nakakatanda, naisip mo ba kung bakit?

Isa lang ang kontekstong kinapapalooban ng salawikaing nabanggit—‘wag kang magpapahuli sa lahat ng bagay, kailangan maging una ka para ‘di ka mapag-iwanan.

Usisero o labis na kuryosidad sa lahat ng bagay ay isang ugaling tatak Pilipino. Kapag may sunog, away, at ano pa mang gulo, laging may mga nanonood na tila hindi iniisip ang maaaring panganib na kaharapin sa kagustuhang makita o masaksihan ang mga nangyayari.

 

Photo credit CNN / Facebook

 

Mapa-social media man, ‘di nagpapahuli ang mga Pilipino na makisali at magbigay ng kuro-kuro para lamang masabing updated sila sa lahat ng bagay—isang malaking palaisipan kung bakit nga ba ganito tayong mga Pilipino.

Walang eksaktong batayan sa kasaysayan o mga aklat ang makapagsasabi kung paano at bakit tayo mayroong ganitong pag-uugali ngunit sinasabi ng siyensiya na ito ay naka-ugat na sa ating mga pagkato bago pa man tayo isilang.

Bakit ganoon? Ano ang mayroon diyan? At sino ‘yon?, ay ilan lamang sa mga katanungan awtomatikong lumalabas sa ating bibig sa tuwing may naririnig, nakikita, o nararamdaman tayong kakaiba sa ating paligid.

Sa artikulong inilathala sa Elexonic.com, sinasabing ang kuryosidad ay isang proseso ng labis na pagtanggap o pag-aanalisa sa mga bagay sa palligid mula sa pag-iisip, pakiramdam at mga karanasan sabi ni William James, isa sa mga unang nagsanay sa makabagong sikolohiya.  Sa librong isinulat naman ng tanyag sa larangan ng sikolohiya na si Ivan Pavlov, na isang natural na bahagi ng pagkato na magkaroon ng atensyon sa mga bagong bagay sa kanyang paligid base sa pagkakatuklas sa isang prosesong na tinatawag na classical condition sa pamamagitan ng mga aso.

Para sa mga Pilipino, ang labis na pagiging usisero ay may panganib na hatid sa kaligtasan at higit sa lahat sa kanilang buhay, narito ang ilan sa mga balitang kinasangkutan ng mga usisero sa gitna ng mga panganib na ang ilan ay nasawi:

 

 

Ang mga usisero sa hostage-taking na naganap sa Greenbelt na kinasangkutan ng isang gwardiya.

 

Screenshot from ONEMindanao News

Isang balita tungkol sa isang lalaki na sinasabing nanood daw sa pagresponde ng mga awtoridad sa isang malaking sunog ang naipit ng fire truck sa Bislig, Surigao Del Norte.

 

 

Ang ‘di malilimutang mga usisero ng Manila bus hostage taking sa Quirino grandstand.

May mga ilang batas naman na ipinatupad sa ilang lugar at buong bansa para lamang sa mga usisero, ngunit ‘di lang talaga maiwasan ang labis na kuryosidad ng mga Pinoy.

Sa Koronadal, South Cotaboto, huhulihin at papatawan ng parusa ang sinumang papasok o tatawid sa police line o cordon ng mga kapulisan sa mga lugar na pinangyayarihan ng krimen. Ito ay batay sa Ordinance No. 05, Series of 2014 na inakda ni Konsehal Eduardo Biadoma.

 

 

 

Sa buong bansa naman, taong 2010 nang ihain ni Senador Bong Revilla ang Senate Bill 2399 o ang Anti-Usisero Bill para sa mga taong basta na lamang papasok sa mga cordon o pinangyarihan ng krimen ay maaaring makulong hanggang anim na buwan or magbabayad ng tatlong libong piso.

 

Screenshot from Philippine Star

Ang panukalang ito ay hindi na nakalusot sa senado dahil may batas na raw na nagtataglay ng kaparehong mga kautusan.

Ang mga nabanggit na balita sa itaas ay ilan lamang sa libo-libong pagkakataong namayani ang pagka-usisero ng mga Pilipino.

Aminin mo man at hindi, likas na sa atin ito, sino ba namang ayaw makarinig ng mga bagong balita at bagong pag-uusapan?

Ngayong may pandemya, marami tayong panahon para maki-usiyuso at makisali sa iba’t-ibang talakayan at mga usapin, pero bago ka magsalita isipin mo nang paulit-ulit, may mapapala ka ba sa mga ‘yon?

Related Reads


What's New

More Articles