Default

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit. Quae nam consequatur reiciendis omnis esse, nesciunt!

Close Me

I AM A POPUP CUSTOM02

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit. Quae nam consequatur reiciendis omnis esse, nesciunt!

Close Me
Philippine National ID System na ba ang mabisang paraan para maiwasan ang ang krimen at identity theft?
By Jhoemz Vercide 13 Oct 2020 940

Taong 2018 ay naging opisyal na batas na nga ang pagsusulong ng National ID sa Pilipinas, naging kontrobersyal man ang usaping ito sa mga nakalipas na dekada dahil ang hakbang daw na ito ay maaaring magamit upang labagin ang mga impormasyon at pribadong pagkakakilanlan ng mga tao, naisakatuparan pa rin para sa kapakanan ng mga mamamayan ng bansa.

ANO NGA BA ANG NATIONAL ID SYSTEM?

Ang Republic Act 11055 oPhilippine Identification System” o “Philsys” ay batas na nagtatakda sa pagkakaroon ng isang sentralisadong sistema para sa pagkakakilanlan ng mamamayan at rehistradong indibidwal ng Pilipinas.

Sa hakbang na ito, ang Identification Card o ID na ito ay maaaring magamit bilang katibayan sa anumang transaksyon sa mga ahensya ng gobyerno at mga pribadong institusyon sa bansa. Lahat ng mga Pilipino, OFW, at Dual Citizens ay obligadong magrehistro sa bagong patakarang ito.

ANO ANG MGA IMPORMASYONG KAILANGAN PARA SA NATIONAL ID?

Ang mga impormasyong kakailanganing ibigay para sa nasabing ID ay ang mga demographic data katulad ng buong pangalan, kasarian, araw at lugar ng kapanganakan, blood type, tirahan, at nasyonalidad. Samantalang ang marital status, numero ng telepono, at email address ay opsiyonal.

Ang biometrics information ay kailangan ding ibigay kabilang ang larawan, full-set ng fingerprints, at iris scan. Maaari ring kuhanin ang iba pang mga marka ng pagkakakilanlan kung kinakailangan.

Sa ID na ibibigay, mayroon itong sariling serial number na itatakda ng Philippine Statistics Authority (PSA) na siyang punong ahensya na mangagasiwa sa pangkalahatang programa kaagapay ang Department of Information and Communications Technology (DICT).

Kahapon, ika-12 ng Oktubre ay pormal nang inanunsyo ang pagbubukas ng rehistro. Ayon sa ahensya, uunahin daw iprayoridad ang mga pangalang nakarehistro sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa agarang tulong pinansyal sa kanila.

Dalawa ang paraan ng pagrerehistro, una ay ang pagkalap ng mga personal at demograpikong impormasyon, at ang ikalawa ay ang biometrics information na sisimulan sa ika-25 ng Nobyembre.

Ayon sa pangkabuuang pananaw ng batas, sinasabing ang pagpapabilis ng mga serbisyo, pagsugpo sa patuloy na korapsyon, at pagpapanatiling ligtas sa nakakarami ang Ilan sa mga nakitang magiging positibong dulot nito para sa bayan.

Gaano nga ba kasigurado na mapoprotektahan ang mga tao? Mabisang paraan nga ba ito para mabawasan ang paglaganap ng krimen at pagnanakaw ng pagkakakilanlan o identity theft?

IWAS KRIMEN AT IDENTITY THEFT?

Sa isang panayam sinabi ni Laguna 3rd District Representative and co-author Sol Aragones ng batas na sisiguraduhin nilang ang PSA lamang ang maaaring makakakita at makakapagtago ng mga impormasyon.

"May mga safeguards na nagsasabi na masesecure ang data," sinabi ni Aragones sa isang panayam ng Rappler.

Makikipagtulungan din daw ang National Privacy Commission (NPC) sa pagpapatatag ng sistema ng Data Privacy Act upang patuloy na lumakas ang tiwala ng mga Pilipino sa mga ahensya at mga programa.

Isa ang bansang South Korea na nagpatunay na mabisa ang pagkakaroon ng sentralisadong ID System sa pagkontrol ng mga krimen sa mga nakalipas na dekada, ngunit noong 2014 ay nagkaroon ng malawakang krisis ng identity theft sa bansa na nagamit sa kung ano-anong pagnanakaw katulad ng credit card scams at masasamang hakbang na maging mismo ang pangulo ng bansa na si Park Geun-hye ay naging biktima rin, kaya’t mabilis na ipinag-utos na baguhing muli ang lahat ng ID na nilagyan ng ilang mga security features at binawasan ang impormasyong nakapaloob dito.

Sa nangyaring ito, makikita natin na kahit ilang dekda na itong nasubukan sa ibang bansa ay nagawa pa ring pasukin ng kasamaan ang kalakarang ito, kaya’t sana’y magsilbing leksyon ito para sa Pilipinas na kung tutuusin ay hindi pa ganoon kaunlad gaya ng South Korea na kayang umaksyon nang agaran kapag dumating ang krisis.

Kung iisipin, oo nga’t magiging madali at mas maayos na ang proseso at mga transaksyon ng mga Pilipino ngunit patuloy pa ring nakasubaybay ang mga agam-agam na baka nga magamit ito sa masama sa darating na panahon.

Maaaring maging matagumpay ang bagong patakarang ito, kailangan nating maghintay upang makita ang resulta. Kailangan nating maniwala at tulungan ang bansa na maisagawa ito, kuha mo?

Related Reads


What's New

More Articles