Pormal na nga na binuksan ang klase kahapon, Ika-5 ng Oktubre, sa buong Pilipinas. Walang mahabang pila sa mga gates ng mga paaralan, walang maiingay na mag-aaral na excited pumasok dahil sa baon at bagong bag, at walang ng mga batang umiiyak na ayaw magpaiwan sa magulang.
Dahil sa banta ng COVID-19, hindi na muna natin makikita ang nakasanayang tanawin sa mga eskwelahan tuwing araw ng pasukan, ngayong may pandemya, naging doble ang hamon sa ngalan ng karunungan—ang sistema ng online classes ay sinimulan nang gamitin ngayong taong panuruan.
READ: Online Classes: Epektibo nga ba para Matuloy ang Pasukan?
“Distance Learning” ang solusyon ng Department of Education (DepEd) para maituloy lamang ang klase. Ang mga paraan na nakitang makakatulong sa patuloy na pag-unlad ng karunungan ay ang mix of modular learning, online learning, at pagbo-broadkast gamit ang telebisyon at radyo.
Nagsimula ang araw kahapon sa isang malawakang flag ceremony at isang programa na pinangunahan ni Sec. Leonor Briones na nagbigay ng pambungad na pananalita.
Ayon kay Briones, naging matagumpay daw ang pangkalahatang pagbubukas ng klase ng mahigit 47,000 ng mga pampublikong paaralan sa bansa sa kabila ng patuloy na banta ng virus.
"Today we celebrate a great victory, we declare our victory over COVID-19... We will not allow COVID-19 to destroy our children's education and their future," Briones said during DepEd's online event.
Patuloy niyang pinaninindigan na hindi dapat matigil ang edukasyon kahit na patuloy ang paglala ng virus sa bansa. Patuloy din niyang hinihimok ang mga kritiko na itigil na ang mga debate sa naging desisyon ng kagawaran.
Pero, ang mga nabanggit na mga pahayag ay base sa pangkabuuang obserbasyon ng departamento, kumusta naman kaya ang mga gurong sumabak sa laban kahapon?
Narito ang ilan sa kanilang mga kwento at ilang mga hamong kinaharap:
Ang Alliance of Concerned Teachers Secretary-General na si Raymond Basilio ay dismayado sa koneksyon ng internet na nagpahirap lalo sa mga guro para masimulan ang kani-kanilang mga klase.
"The Internet connection is as slow as a turtle. Even if there are 24 million students enrolled in both public and private schools for this school year, there are only a few who are able to attend their online classes because of this problem," sabi ni Basilio sa panayam ng CNN Philippines.
Sa mga Facebook posts naman na ito, ibinahagi ng mga guro ang tuwa matapos na matapos ang unang araw ng klase.
Kasabay ng pandaigdigang pagdiriwang ng “World Teacher’s Day” Marami ang nagpasalamat sa pagtitiyaga at paglalaan ng mahabang pasensya ng mga magulang at mag-aaral.
Read: Salamat, Teacher: The struggle, stories, and sacrifices of teachers during the distance learning
Hindi rin nawala ang mga kwelang tagpo sa unang araw ng pasukan, sa post na ito, makikita ang isang lola na pinag-sub muna ng kanyang apo sandali upang magbanyo at pakinggan ang mga sasabihin ng guro para raw sa isang major subject.
Ang guro naman na ito ay maagang inihanda ang kanyang uniporme para sa pagbubukas ng klase kahapon.
Sa posts naman na ito, hindi internet ang naging suliranin ng isang guro kundi ang mga pasaway na mag-aaral na tila nakikipaglaro habang nagtuturo ang isang guro.
Aminin natin marami pa ring mga pagkukulang upang masabi talagag naging mabisa at matagumpay ang hakbang na ito para sa pagpapatuloy ng klase.
Gayun pa man, gamitin natin itong pagkakataon upang sanayin ang sarili sa makabagong paraan upang sa darating pang panahon ay hindi na tayo mangangapa pa.
Ang klase sa taong ito ay matatapos sa ika-11 ng Hunyo 2021.
Sabay-sabay tayong magtulungan para sa bayan, nawa’y wala nang iba pang suliranin ang dumating para ang karunga’y lalong mapagyaman at ‘di mapunta sa wala.
Ikaw, kumusta ang first day ng klase mo?