Default

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit. Quae nam consequatur reiciendis omnis esse, nesciunt!

Close Me

I AM A POPUP CUSTOM02

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit. Quae nam consequatur reiciendis omnis esse, nesciunt!

Close Me
Editoryal: Red Tagging sa Pinas, sino nga ba ang tunay na terorista?
By Mamaro 27 Oct 2020 4303

Ngayong linggo, “Red Tagging” ang mga salitang umagaw ng ating atensyon na talaga namang mainit na pinag-uusapan. Mga opisyal ng iba’t-ibang sangay ng pamahalaan at mga artista ang dawit sa isyung ito; nagpapalitan ng kani-kanilang opinyon at saloobin na laman ng mga balita at pahayagan sa mga oras na ito.

Okay, sigurado akong narinig mo na rin ito, pero alam mo ba ang kahulugan ng “Red-Tagging” at bakit ito mapanganib para sa karapatang pantao?

Ayon sa artikulong isinulat ng Vera Files, tinutukoy ng Oxford Living Dictionary ang "red-tagging" bilang panliligalig o pag-uusig ng isang tao dahil sa "kilala o pinaghihinalaang simpatya sa komunismo.

Binanggit naman ni Supreme court Associate Justice Marvic Leonen sa kanyang dissenting opinion sa Zarate vs Aquino III sa isang artikulo sa 2011 journal na nakalathala rin sa Vera Files na naglalarawan sa red-tagging bilang:

"ang pagkilos ng pag-label, pagba-brand, pagbibigay ng pangalan at pag-aakusa sa mga indibidwal at / o mga organisasyon ng pagiging maka-kaliwa, subersibo, komunista o terorista (ginamit bilang) isang estratehiya ... ng mga ahente ng Estado, partikular na mga ahensiyang nagpapatupad ng batas at militar, laban sa mga na itinuturing na 'banta' o 'mga kaaway ng Estado'. "

Ano ang maaaring mangyari kung ikaw na-red tag?

Ayon sa inilathalang artikulo ng Vera Files, kung ikaw ay na-red tag at kung ang korte ay pumabor sa gobyerno, ang mga tao at grupo na pinaghihinalaang -- hindi kinakailangang napatunayan -- na may kaugnayan sa CPP-NPA ay maaaring ilagay sa ilalim ng pagmamatyag, ang kanilang mga pag-aari ay ipagbabawal na magalaw, o kahit ikulong ng walang isinasampang kaso.

Sa mga nabanggit na kahulugan malinaw na ang ‘red tagging’ ay mapanganib sa ating lahat. Kung sinuman ang maparatangang makakaliwa ay awtomatikong kalaban ng estado. Nakakabahala lamang dahil sa pananaw na ito, umuusbong ang impresyon sa isang tao bilang kalaban, promotor ng gulo, o ang mas malala pa bilang terorista.

 

 

"The choice is yours Liza. And so with you Catriona (Gray). Don't follow the path Ka Ella Colmenares (Locsin) took in the underground and NPA Quezon. I am sure Angel Locsin and Neri Colmenares will not tell you this," ito ang mga katagang sinabi ni Parlade sa mga aktres at beauty queen.

Ngunit, bakit ganoon na lamang kabilis ang pag-aakusa sa mga tao kung talagang delikado ito lalo na kung wala namang matibay na basehan?

Narito ang mga nangyari kina Liza, Angel, at Catriona.

 

LIZA SOBERANO

Nagsimula ang red-tagging kay Soberano nang magsalita siya sa Gabriela Youth online forum noong Oktubre 13, kung saan emosyonal niyang tinalakay ang mga karahasang nararanasan ng mga kababaihan, kabilang ang mga kabataan.

Matapos ang naganap na pagbabahagi ni Liza, naglabas ng pahayag si Lt. Gen. Antonio Parlade, isang heneral na kabilang sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na kung saan binalaan niya ang aktres na tumigil sa anumang aksyon at hakbang na naglalayong magpalaganap ng kaguluhan sa bayan.

Pero nitong Huwebes, Oktubre22, pumalag ang kampo ni Soberano sa sinabi ni Parlade.

"We denounce in the strongest terms the 'red-tagging' of our client, Ms. Liza Soberano in some social media platforms... Ms. Soberano remains to be apolitical. She does not support nor antagonize any person’s political views. The important point here is respect for others, a virtue she has conscientiously practiced all her life," sabi ni Jun Lim, legal counsel ng aktres.

Nag-alburoto ang ilang netizens matapos marinig ang mga akusasyon at paratang ni Parlade. Pati na rin ang ilang mga mambabatas ay hindi pinalampas ang anila'y red-tagging at "mansplaining" ni Parlade kay Soberano.

 

CATRIONA GRAY

Maging ang Miss Universe ay hindi pinalampas ng pananakot at panggigipit ng pamahalaan. Si Catriona Gray ay binalaan din ni Parlade na huwag makikibahagi sa mga organisasyong maaaring magpalaganap raw ng kaguluhan sa bayan.

Bilang isang advocate na nakakikipaglaban para sa karapatang pantao, hindi nagpatinag ang beauty queen na maninidigan para sa kanyang pinaglalaban.

“Please don’t ever allow your voice to be silenced,” iginiit ni Gray. “You never know [whose] life may be impacted by your words,” dagdag pa niya. “You never know who you’ll help feel seen, courageous or comforted. When you speak up for yourself, know that in sharing your stories, you’re speaking up for others too.”

Sa isang Instagram post, ipinakita ni Catriona sa isang bidyo ang tila representasyon sa kasulukyang nangyayari, unti-uting nakawala ang sarili sa mga kamay na pilit binubusalan ang kanyang bibig.

 

 

Ang legal counsel  naman ni Gray na si Joji Alonso ay dinepensahan ang singer-beauty queen , sinabi niyang “Dragging Catriona’s name, when all she has endeavored to do as an advocate for women’s rights, is completely uncalled for.”

“Catriona will not waiver in continuously championing social causes that uplift women’s lives,” dagdag ni Alonso.



ANGEL LOCSIN

Ang magaling na aktres, palaban, at kilala sa pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan na si Angel Locsin ay ‘di na rin nakatiis na hindi magsalita sa mga akusasyon ng heneral.

 

 

Sinabi ni Parlade na ang kapatid ni Locsin na si Ella Colmenares ay may kaugnayan raw at kasapi sa New People's Army (NPA). Sa kanyang Instagram account, itinanggi ni Angel ang paratang na siya, kanyang kapatid, at tito na si Bayan Muna Chairperson Neri Colmenares, ay bahagi ng NPA o anumang grupo ng mga terorista.

"We live in a country where our freedom to speak and express ourselves are enshrined and protected by the Constitution. May paniniwala ako, may paniniwala ka. At sa ilalim ng Consitution, pareho tayong mayroon karapatan sa ating nga sariling paniniwala," sabi ni Locsin.

"Kung magkaiba tayo, hindi ibig sabihin pwede mo na ako i-red tag. Hindi tayo magkakalaban dito. Hindi rin ako 'red'. Magkaiba lang tayo ng paniniwala," she added.

Sa kanyang post maraming mga kasamahan sa industriya ang nakiisa sa tila ginawa niyang panawagan ng pakikipaglaban na #NoToRedTagging at #YesToRedLipstick.

Sa pangyayaring ito, makikita natin na sa panahon ngayon wala nang sini-sino ang batas maging ang mga sikat na aktres at reyna ng buong daigdig. Ang mga matatapang na patuloy na nakikipaglaban para sa demokrasya ay pilit na tinitingnang kalaban.

Sino nga ba ang tunay na terorista? Kilala pa ba talaga natin kung sino ang kaaway sa hindi? Ito ang malungkot na katotohanan na kinahihinatnan ng bayang ito.

 

 

 

Related Reads


What's New

More Articles