Default

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit. Quae nam consequatur reiciendis omnis esse, nesciunt!

Close Me

I AM A POPUP CUSTOM02

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit. Quae nam consequatur reiciendis omnis esse, nesciunt!

Close Me
EDITORYAL: Kwentong Pinoy Christmasumisyon 2020
By Jhoemz Vercide 01 Sep 2020 1197

BER months na nga, at ibig sabihin nito ay simula na nang pinakahihintay nating lahat—ang Pasko!

Sa buong mundo, tayong mga Pilipino ang may pinakamahabang pagdiriwang ng pasko sa buong mundo. Labis nating pinaghahandaan at inaabangan ang pagsapit ng araw na ito upang magsaya at magsama-sama.

Ngunit, sa dami ng mga problemang kinakaharap ng mundo, paano kaya natin ipagdiriwang ang pinakamasayang araw na ito ngayong taon? Marami pa rin ang postibo ngunit may nariyan pa rin ang mga agam-agam na hindi na ito magiging kasing-tingkad ng mga nakalipas na taon.

Ito na nga, dahil mukhang malabong magkaroon ng carollings at maaaring hindi na magiging kay sigla ng gabi na kung saan lahat ay kay saya ngayong taon, samahan niyo na lang kaming kumanta bilang pagsalubong sa pagpasok ng panahon ng kapaskuhan.

Mukhang ito na ang magiging kwentong pasko natin ngayong taon:

Sa unang buwan ng quarantine mag-chill daw sabi ni ninong.

Huwag daw lumabas at magwait-wait na lang sa vaccine, tsong.

Ilang linggo ng ECQ wala pa rin ang mass testing, no proper plans pati system hina-hunting.

Sa second month ng quarantine nagback to work ang lahat, walang jeep at bus, madlang peeps ay nag-alay lakad.

Utang here, utang there, ang sabi ni ninong ‘yan, sinong magbabayad? Bahala na raw kayo diyan!

Intsik sa West PH sea ay dedmahin lang daw, ‘wag aawayin, happy happy na lang daw tayo kung ayaw may magalit na bwakaw.

Nang magtantrums si ninong nung May 2020, Goodbye ABSCBN, wala na si Cardo, at nagutom ang 11,000-employee.

Belated HBD para kamo kay bossing, no celebration, no gatherings, pero okay lang daw mañanita with matching dancing?

COVID-19 cases ay non-stop to arise, kulang na sa pa-ayudang rice, pero priority ang Anti-terror law, wow nice!

Ofws ay pilit pinauwi na benefits ay kulang, tirahan ‘di okay at natulog na lang kung saan-saan.

Online classes ay pilit bubuksan, walang internet, wala ring gadgets pati plano ay urong-sulong naman.

Philhealth namin hindi rin pinatawad, 15 billion tinangay sabay goodbye ng mga mafia, ay bad!

6 months na nga.

Wala pa rin.

Kelan kaya?

Magwait-wait na lang ba ng vaccine?

Repeat 2x at alalahanin mo ang ilan sa malalaking kontrobersiya sa nakalipas na anim na buwan, oo anim na buwan lang, sa loob ng panahon na iyon ay tila naging malaking palatuntunan ng komedya at pauli-ulit na drama ang ating natunghayan.

Ngunit sa seryosong usapin, ganito bang klaseng mga regalo ang nais mong matanggap at pasanin hanggang sa sumapit ang araw ng pasko?

Sa kabila nito, ang pasko ang tiyak na magsisilbing pag-asa para sa marami sa atin para tuluyan nang matapos ang pandemyang ito.

Advance Merry Christmas sa inyong lahat! *insert Jose Mari Chan*

Related Reads


What's New

More Articles