Default

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit. Quae nam consequatur reiciendis omnis esse, nesciunt!

Close Me

I AM A POPUP CUSTOM02

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit. Quae nam consequatur reiciendis omnis esse, nesciunt!

Close Me
EDITORYAL: Anatomiya ng “Bobotante”
By AJ Virtuz 28 Jan 2022 1315

 

PAALALA: Ang article na iyong mababasa ay hindi patungkol sa kung sinong dapat iboto sa halalan 2022. Sabi nga ni Zenaida Seva, “hindi hawak ng mga bituin ang ating kapalaran. Gabay lamang sila. Meron tayong free will. Gamitin natin ito.”

Ilang buwan na lamang bago ang halalan 2022, at nagsusulputan na sa social media ang mga post patungkol sa mga napupusuan ng mga taong iboto sa darating na eleksyon. Kanya-kanyang bato ng opinyon, paninira, at pinaglalaban ang karamihan sa mga botante laban sa mga kumakandidato.

Subalit, kailan natin masasabi na ang isang botante ay nagpapamalas ng labis na kakulangan sa kaalaman sa social media? Bakit mayroon tayong tinatawag na mga “Bobotante?” Paano nagiging “Bobotante” ang isang botante? At sino ang dapat sisihin sa pagdami ng mga “Bobotante?”

Still shot mula sa pelikulang Goyo: Ang Batang Heneral

 

Ano/Sino ang mga “Bobotante”?

Malaki ang pagkakaiba ng mga taong kulang sa kaalaman, sa mga taong piniling kulangin sa kaalaman. Ang “Bobotante” ay pumapatungkol sa mga taong may sapat na pribilehiyong pagyamanin ang pag-iisip sa bagay-bagay, subalit pinili ang kaalamang hindi babali sa kanilang pinaniniwalaang totoo, angkop, at tama. Hindi dapat tinatawag na Bobotante ang mga taong kinulang sa edukasyon, at kapos sa mapagkukunan ng impormasyon. Dahil sila ang madaling mabulag ng maling kaalaman na maaaring naririnig lamang sa iba, o nababasa sa kung saan.

Subalit kung ikaw ay taong may sapat na pribilehiyong bigyan ng pakpak ang pahat, o mangmang mong kaisipan, nang sa gayon ay matayog mong liparin ang malawak na katotohanan tungkol sa kung sino ang iyong iboboto, at pinili mong paniwalaan ang kasinungalingan at maling impormasyon — malamang, ikaw ay isang “Bobotante.”

"Why is the poor or the lower class being accused as being bobotante? They're the ones being blamed for the misery and the problems of the country which the more privileged classes actually made by supporting the wrong choice of leaders," pahayag ni Prince Aldama, nagtuturo ng sociology of politics (mula sa article ng reportr na isinulat ni Pia Regalado.)

 

Hindi ang mga “Bobotante” ang tunay na kalaban

Isang malaking pagkakamali na ibaling ang sisi sa mga mahihirap o mga nasa mababang sektor ng lipunan sa pagkakaluklok sa mga corrupt at hindi karapat-dapat na mamuno sa bansa.

Sa isang article ng CNN na isinulat ni Anna Bueno, ibinahagi niya ang karanasan sa pagtra-trabaho nito sa isang National Government Unit (NGO), at ayon sa kanya, ang mga mahihirap ay hindi tamad, o bobo.

“They are tired, they are hungry, and they want things to change. They feel this in their bones; they live every day in the hope that someone will help them overcome poverty and injustice, even as they struggle to put food in their children’s mouths, even as they struggle to live another day fighting.”

Ayon naman kay Prince Aldama, hindi lahat ng walang pormal na edukasyon ay walang kakayahang gumawa ng tamang desisyon.

"Tingin natin kapag educated ka, mas pipili ka ng mas magagaling na leaders. Wala kang formal education, therefore kulang ka sa kaalaman. Pero 'di porke wala kang formal education, you're incapable of making good decisions," sabi ni Aldama.

Ang mga “bobotante” ay maituturing na isa lamang biktima ng mga maling kaalaman na lumalaganap sa social media, mula sa mga politikong hayok na maka-iskor ng pwesto sa gobyerno, kaya handang gawin ang lahat para manalo.

Kung ang masa ay nakapokus lamang sa kung ano at saan kukuha ng pang-kain sa kinabukasan, wala na itong oras para isipin at siyasatin pa nang maigi kung sino ang tamang lider na dapat mamuno sa bansa. Sa madaling sabi, nasa ating mga may pribiliheyo nakasalalay ang pagiging kritikal at mapanuring botante. At kung totoong may malasakit tayo sa bayan, hahabaan natin ang pasensya sa mga nasa mababang sektor upang gabayan sila sa kung sino ang dapat na iboto sa darating na halalan.

Kasabay sa pag-unlad ng makabagong panahon at mundo ng social media ay kasabay rin ng paglaganap ng disimpormasyon at madaliang panlilinlang ng katotohanan sa masa. Kung may kakayahan kang gumamit ng social media, mag-share ng mga nakikita at nababasa mo online — tiyak may kakayahan ka ring gawin ang tinatawag na lateral reading, o ang paraan ng maiging pananaliksik sa mga sentimiyento, article, o balita na nakikita mo online, nang sa gayon ay makumpirma mo mismo kung ito ay lehitimo ba, o pawang kasinungalingan, bago mo ito i-share at makita ng mas nakararami.

At kung dumating man ang pagkakataon na naisipan mong dumilat, kasalananan na ang pumikit.

 



 

Related Reads


What's New

More Articles