Default

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit. Quae nam consequatur reiciendis omnis esse, nesciunt!

Close Me

I AM A POPUP CUSTOM02

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit. Quae nam consequatur reiciendis omnis esse, nesciunt!

Close Me
Day Off tuwing Linggo: Bakit nagalit ang taumbayan sa mabagal na pagresponde sa Bagyong Rolly?
By Mamaro 03 Nov 2020 940

Sino nga namang matutuwa kapag nagtrabaho ka sa araw ng day off mo? Araw na kung saan puwede kang magpetiks at humilata buong araw nang walang iniisip. Pero kung sa gitna ng sakuna at kalamidad, kaya mo bang pumikit na lang at matulog nang mahimbing habang marami ang nasa panganib dulot ng bagyo?

Nitong nakaraang Linggo nga ay sinalanta ng pinakamalakas na bagyo ngayong taon, ang bagyong Rolly, ang malaking bahagi ng Luzon sa bansa. Higit na napuruhan ang rehiyon ng Bikol.

PHOT

Kataka-takang wala ang pinuno ng bansa na siyang inaasahang manguna para sa lahat sa mga ganitong alanganing oras. Nag-trending sa social media ang #NasaanAngPangulo sa gitna ng pananalasa ng bagyo.

 

Napansin ng marami ang mabagal at kulang na preparasyong isinagawa ng pamahalaan at tila naging maagap na lamang matapos ang lahat ngunit ang mga kapanalig ng Pangulo ay dinepensahan ang mga paratang at sinabing kahit wala raw sa pagpupulong ay naka-monitor naman ito sa mga updates.

Ang mga pahayag ni Sec. Harry Roque tungkol sa isyung ito ay lalong umain ng batikos mula sa mga netizens at kritiko nang siya ay tanungin kung bakit lamang daw nagsagawa ng press briefing sa araw na nag-landfall ang bagyo.

"Well, dahil inaasahan po nga natin iyong landfall kahapon ‘no at saka sa totoo lang po, araw ng Linggo naman iyon, pero maski araw ng Linggo po nandito po lahat iyong kalihim para nga po iparating ang kahandaan ng gobyerno sa pagbigigay ng tulong doon sa mga nasalanta ng NDRRMC (National Disaster Risk Reduction and Management Council)," sabi ni Roque.

"So ang tanong po, bakit lang kahapon? Kasi kahapon naman po pumasok iyong bagyo, ‘no?" dagdag pa niya.

 

 

 

Linggo raw kasi. Ito ang nais ipunto ni Roque habang patuloy ang pagdurusa ng mga tao. Linggo naman daw kaya ayos lang na magpabagal-bagal at hintayin na lang kung ano ang mangyayari?

Linggo naman daw…

Ang mga isiping ito ay hindi maiwawaksi ninuman lalo na’t ito ang nais iparating at sabihin ng mga pahayag—nakakainsulto at nakakapanlumo na maaaring maging dahilan ang kababawang ito sa pagkawala ng saysay sa sinumpaang tungkulin sa bayan.

Naging malaking dagok rin sa mga biktima ang kanilang pagkukunan ng impormasyon dahil kaugnay nito, ibinahagi nila na bago tuluyang salantain ng bagyo ang ilang mga probinsya, problema nila ang mga balita tungkol sa kung nasaan at kailan tatama sa kalupaan ito. Lalong mas nakita ang ABS-CBN bilang tulay sa pagbibigay ng mga sariwang balita lalo na sa panahon ng bagyo.

Matapos tuluyang makalayo ang bagyo, nagdaos ng aerial viewing ang Pangulo sa Bicol region kasama si Senador Bong Go na siyang nagbahagi ng mga larawan para ipaabot sa lahat.

Ngayong araw ay inaasahang opisyal na makalabas ang bagyong ‘Rolly’ sa Philippine Area of Responsibility o PAR...at kasama sa paglabas nito ay mga alaala ng mga mapait na sinapit ng mga nasalanta nito.

Sa dinami-rami ng ka-epokritohang nagawa sa bayang ito, napakaraming buhay at mga bagay na ang nasakripisyo ngunit ‘di pa rin matanaw ang pangmatagalang pagbabago.

Sa kabilang banda, wala namang masamang magpahinga o ika nga’y ‘day off’ ngunit ‘di naman tamang sa eksaktong araw na kung saan ikaw ay kailangang-kailangan ng lahat ay magkikibit-balikat na lamang.

Ikaw, anong naramdaman mo sa lahat ng mga pangyayaring ito? Okay ka pa ba? Tara kape!

 

Related Reads


What's New

More Articles