Default

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit. Quae nam consequatur reiciendis omnis esse, nesciunt!

Close Me

I AM A POPUP CUSTOM02

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit. Quae nam consequatur reiciendis omnis esse, nesciunt!

Close Me
Dahas o Lunas: Ano nga ba ang Tunay na Virus na Kinakaharap sa Bayan ni Juan?
By Mamaro 24 Apr 2020 1138

Habang patuloy ang pagdami ng kaso ng mga tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, patuloy ding pinapalakas ng gobyerno ang pagtatalaga ng pwersa ng military at pulis sa ibat’t-ibang lugar sa metro manila.

Ngunit paano kung sa patuloy na paghihigpit ng mga pulis sa mga tao ay nagiging dahilan na rin upang magmukhang masama ang kanilang imahe sa lahat—COVID-19 pa ba ang kalaban natin ngayon o nadadagdagan pa sila dahil sa mapusok na pananaw at bugso ng damdamin?

Isang nakakalungkot na balita ang tumambad sa mga telebisyon kahapon, April 23, 2020—isang buhay na naman ang nawala ngayong patuloy na umiiral ang enhance community quarantine sa buong Luzon--hindi sa COVID-19 kung hindi sa baril at bala.

Wala na yatang mas sasakit pa sa tagpong kuha ng isang CCTV camera sa Barangay Pasong Putik, Novaliches Quezon City na kung saan makikita ang mga sundalo na sinasaway ang mga tao para umuwi sa kani-kanilang mga bahay.

Makikita sa video ang isang lalaking parang nagmamatigas at ayaw sumunod sa mga pulis. Pinatalikod at pinataas ang kanyang mga kamay, pilit din siyang pinadadapa ng mga pulis.

Makikita rin ang akmang pagbunot ng kung ano sa slingbag ni ragos ngunit bago pa man mailabas ito ay agad na pinaputukan ng pulis si Ragos, natigil sandal at tuluyan nang humandusay kasunod ang pagpalahaw ng isang babae, “Bakit niyo binaril, sir? Dapat kinapkapan niyo muna.” 

Ang lalaking nasa video ay isang retiradong sundalo na si Winston Ragos, 34 years old na isa sa mga sundalong nakipaglaban sa Marawi noong 2017.

Photo courtesy of Ragos' Family

Matapos ang giyera sa Marawi ay nagsimula rin ang panibagong laban sa kanyang isipan—nagdulot ito sa kanya ng matinding trauma o ‘post-traumatic stress disorder (PTSD) na naging dahilan para siya ay bigyan ng ‘compulsory retirement’ o mandatory retirement sa serbisyo.

Ang pulis na bumaril kay Ragos ay nakilalang si Quezon City Police master sergeant Daniel Florendo Jr.,

Sumuko agad ang nasabing puli at habang gumugulong ang imbestigasyon, maaari siyang humarap sa iba’t-ibang kaso.

Matapos ang malagim na sinapit ni Winston Ragos, naglabas ng sama ng loob ang kanyang ina na si Merlyn at ipinakita ang mga papel na nagsasabing kumunsulta sila sa isang pyschiatrist sa Veterans Memorial Medical Center at patuloy ang gamutan para sa pagpapagaling sana ng anak.

Mas kilala siya bilang si ‘Ton-Ton’ sa kanilang pamilya, isangv sang beterano sa giyera, naglingkod para sa bayan itinaya ang buhay para bansa ngunit sa kasamaang-palad ay nawala rin kamay ng kapwa Pilipino.

Ano nga ba ang tunay na virus na kinakaharap natin sa bayan ni Juan? COVID-19 pa ba ang virus ng bayang ito o ang kapwa pilipinong handang pumatay alang-alang sa sinumpaang tungkulin?

Hindi siya namatay kailanman sa anumang giyerang kanyang sinuong ngunit sa tagpong ito, namatay siya nang walang kalaban-laban at ni wala sa matuwid na pag-iisip.

Dahas ba ang lunas na sagot sa virus na kailangan ng bayang ito?

Ikaw, oo ikaw na nagbabasa nito, ano sa palagay mo?

 

Related Reads


What's New

More Articles