Default

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit. Quae nam consequatur reiciendis omnis esse, nesciunt!

Close Me

I AM A POPUP CUSTOM02

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit. Quae nam consequatur reiciendis omnis esse, nesciunt!

Close Me
34 Years After...Anyare sa'yo EDSA?
By 27 Feb 2020 1192

By: Mamaru |

Bago ka tumalak diyan, gusto ko lang sabihin na lahat ng mga sasabihin ko dito ay pawang mga opinyon ko lamang, tama nabasa mo! Opinyon ko lamang tungkol sa kung ano ang aking nakikita sa tunay na kalagayan ng lipunan matapos ang pakikipaglaban sa kasarinlan.

Ingay, trapiko, malalaking gusali, polusyon, at mabangis na lungsod-ito na lamang ang mga bagay natanging naalala natin sa Edsa ngayon.

Mahalaga pa ba ang EDSA People Power Revolution? Tunay bang may malaki ang naging gampanin mo sa buhay namin? Nakalimutan na nga ba ang tunay na diwa mo?

Ayoko na lang talaga mag-salita pero sa totoo lang, wala na ang kapayapaang naipanalo mahigit tatlong dekada na ang nakararaan.

Hindi na ingay ng mga taong may malaking pag-ibig sa bayan kundi ingay na lamang ng mga sasakyang umaalingaw-ngaw ang namamayani sa kahabaan nito.

Hindi na bangis ng mga taong handang gawin ang lahat para sa kapayapaan ang nanahan ngayon bagkus panganib mula sa masasamang loob.

Hindi na tapang ng mga Pilipino ang larawan ng makasaysayang lugar na ito kundi gulo mula sa mapagsamantalang mamayang walang malasakit sa bansa.

Wala na ang kasarinlang nagbigay ng pag-asa sa bayang uhaw sa pagbabago.

Wala na ang bayang ipinaglaban mula sa mapagsamantalang miyembro ng kaawa-awang lipunan.

Wala na ang alab ng mga bayaning nagsilbing pundasyon sa pagkikipaglaban sa kasamaan.

Wala na ang tibay ng dibdib na labanan ang tiwaling pamamaraan at paniniwala.

Wala na ang pag-asang dinala ng maraming naniniwala na may pagbabago.

Photo by: Hana Tabios

Wala na akong makitang liwanag. Dahil unti-unti na naming nagdidilim.

Sinungaling ang Edsa na mayroon tayo ngayon.

Mapang-hamak. Mapanghusga. Mapanglamang.

Makasariling Edsa ang sumisira sa kapayapaan.

Hindi patas na katarungan ang umiiral sa Edsang nagpalaya sa atin noon.

Nakakabahala ang unti-unting pagkawala ng EDSA natin noon.

Nakakatakot makipaglaban sa Edsa natin ngayon.

Nakakapagod maniwala muli na isang araw lalaya ulit ang Edsa natin.

Wala na.

Nawala na.

Higit sa aral, wala nang nagtanda. Wala nga bang nagtanda?

Anong nangyari sa iyo EDSA?

"Aba’y malay ko ba!" 'yan siguro ang isasagot niya sa atin! 

 

Related Reads


What's New

More Articles