Default

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit. Quae nam consequatur reiciendis omnis esse, nesciunt!

Close Me

I AM A POPUP CUSTOM02

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit. Quae nam consequatur reiciendis omnis esse, nesciunt!

Close Me
Kong Hei Fat Choi 2020: Anong Klaseng Hayop ka ba?
By 27 Feb 2020 1496

By: Jhoemz Vercide |

Sa tuwing pumapasok ang bagong taon maraming nangangarap at umaasang makukuha na nila ang swerte, mga dalangin na sana’y ibigay na ang buwenas na matagal na nilang hinihintay pero hep! tama na nga chika diyan!

Walang swerte kasi tamad ka! oo ikaw nga, puro ka selpon diyan, puro ka peysbuk katulad ngayon!

Pero heto na nga, gusto mo ba malaman kung anong klaseng hayop ka este kung ano ang sinasabi sa iyo ng mga hayop na kumakatawan sa taon na kung kailangan ka pinanganak, oo bakit ka pa nabuhay sa mundo!

Pero ayun na nga beh, ito na ang pinakahihintay mong foecast tungkol sayo. anong klaseng hayop ka bang hayop ka?

Babala: ito ay pawang kalokohan lamang, patola ka ghorl kung seseryosohin mo ‘to!


DAGA

1924, 1936, 1948, 1960, 1972, 1984, 1996, 2008, 2020

Mabilis. Mahilig magbait-baitan. Bantay-salakay.

Kung ika’y ipinanganak sa taong ito, siguradong ika’y mahilig mangagat. lahat ng pwedeng kagatin ay kakainin.  mahilig kang magbait-baitan ngunit bantay-salakay naman sa jowa ng iba!



BAKA

1925, 1937, 1949, 1961, 1973, 1985, 1997, 2009, 2021

Masipag. May future maging mayor doma. Maldita. Medyo slow sa mga bagay-bagay.

 sa mga ipinanganak sa taong ito, ikaw na ang pinakamasipag sa lahat. sa sobrang sipag mo pati jowa ng iba trinabaho mo na!

madalas kang slow sa mga bagay-bagay pero may tinatago ka namang sungay.




TIGRE

1926, 1938, 1950, 1962, 1974, 1986, 1998, 2010, 2022


Masipag. May future maging mayor doma. Maldita. Medyo slow sa mga bagay-bagay.

 sa mga ipinanganak sa taong ito, ikaw na ang pinakamasipag sa lahat. sa sobrang sipag mo pati jowa ng iba trinabaho mo na!

madalas kang slow sa mga bagay-bagay pero may tinatago ka namang sungay.



KUNEHO

1927, 1939, 1951, 1963, 1975, 1987, 1999, 2011, 2023

 Cute pero dimunyu. Malambing pero toyoin. Runner sa inuman.

 mahilig magparami, hindi mapirmi! umiwas ka sa paputok ngayong taon para di masabugan. dakilang utusan ka pero dapat may bayad


DRAGON

1928, 1940, 1952, 1964, 1976, 1988, 2000, 2012, 2024

 Palaging nag-iinit. Mahilig bumuga. Toyoin.

 kung ipinanganak ka sa taong ito, lumayo sa maiinit na bagay para maka-iwas sa tukso. Hindi swerte ang barbecue business sayo pero may talent kang magpabaga ng uling.



AHAS

1929, 1941, 1953, 1965, 1977, 1989, 2001, 2013, 2025


Makamandag. Makapit. Mahilig gumapang.

 mag-ingat ka kung ipinanganak ka sa mga taong ito, hindi na lang si bes ang kaagaw mo kay crush sasali na rin si beshy sa liga!

 huwag gumapang kung saan-saan mapanganib. hindi ka tarsier para kumapit kung kani-kanino



KABAYO

1930, 1942, 1954, 1966, 1978, 1990, 2002, 2014, 2026

Mabilis magdesisyon. Maalog. Walang preno ang bibig. Mahilig sakyan…ang trip ng iba.

Kung ikaw ay ipinanganak sa mga taong nabanggit, Congrats! marami kang pakinabang, pwede kang sakyan patalikod at paharap, ikaw na! Pwede sakyan hanggang lima, ganun ka ka-talented bhe! Matagal hingalin kaya hanggang five rounds…sa karera.



TUPA

1931, 1943, 1955, 1967, 1979, 1991, 2003, 2015, 2027

Uto-uto, madaling lokohin. Oo lang nang oo. Madalas tanga.

Kung ikaw ay pinanganak sa mga taong nabanggit, sunod-sunuran ka. Bigay ka lang nang bigay pati sa jowa mong di ka naman masuklian. Tangatangahan sa pag-ibig kaya pati pin ng ATM binigay mo na!

Sana taon mo na ‘to sa love, dalasan mo lamang ang pag-swipe mo sa tinder o bumble. (pati na rin sa grindr) basta wag ka lamang magpa-uto!



UNGGOY

1932, 1944, 1956, 1968, 1980, 1992, 2004, 2016, 2028

Mahilig sumabit. Saging lang sapat na. Manloloko. Hindi magpapalamang. Scammer.

Kung ikaw ay pinanganak sa mga taong nabanggit, mahilig kang sumabit kung saan-saan makahanap lang ng saging! Certified budol ka sa tropa, doble ang kinita mo sa pinang-print ng thesis niyo! ‘Di ka mautangan pero ang galling mangutang. Magbago ka na ngayong taon!



TANDANG

1933, 1945, 1957, 1969, 1981, 1993, 2005, 2017, 2029

Morning person. Madalas bulabog sa puyat. Minsan si bunso. Paboritong anak ni Tatay.

Kung pinanganak ka sa taong ito, malamang mahal ka ng tatay mo. Palaging hinihimas at alagang-alaga. Mahilig tumuka kahit saan, kahit kailan basta may tutukain! Madalas kang isama ni tatay sa travel. Instant nilaga ang ka beh pag natalo si tatay!



ASO

1934, 1946, 1958, 1970, 1982, 1994, 2006, 2018, 2030

Paborito ng lahat. Magaling magbantay. Moody. Minsan nangangagat. Marunong mag-stay.

Kung ikaw ay pinanganak sa mga taong nabanggit, for sure may talent ka sa pagkagat. Mahilig kang manangay ng kung anu-ano at part-time basurero ka pag may time. Madalas mong lunch ang pampers na may jackpot. Paboritong gawain ng lahat este paboritong alagaan.



BABOY

1935, 1947, 1959, 1971, 1983, 1995, 2007, 2019, 2031

Sugapa. Kain-tulog crew. Sarap buhay with matching de-kwatro. 1 rice…1 rice cooker.

Kung pinanganak ka sa mga taong ito, lifetime member ka ng kain-tulog gang. Malapit mong kamag-anak si Juan tamad. Dalawa ang sakop mong upuan sa jeep pero nuwebe lang ang bayad mo. Diet daw pero anim na beses mag dinner. Sana pumayat ka na ngayong taon.

Oh, ayan ha! anong klaseng hayop ka beh? sa wakas na hayop ka natapos ka na rin!

Basta bes ha, dasal dasal ha, wag iasa sa kung ano-anong orasyon. kayod lang at aasenso rin!

Related Reads


What's New

More Articles